Thursday , June 4 2026
Loinie Loisa Andalio Ronnie Alonte Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Loisa at Ronnie positibong pwede pang magbalikan sina Kathryn at Daniel

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ng TV Patrol sa magka-loveteam at magkarelasyon na sina Loisa Andallo at Ronnie Alonte, naniniwala sila na posible pa ring magkabalikan  sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naniniwala pa rin kami na kaya pa ring pag-usapan ‘yan ‘di ba?,” sabi ni Ronnie.

Dagdag pa ng aktor, “Umabot nga sila ng 11 years eh. Bakit ‘yung ganyang problema, hindi nila kayang ayusin?”

Tugon naman ni Loisa, “Si Kathryn, mayroon talaga kaming communication. Strong siya, matapang ‘yung babaeng ‘yun.”

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng couple ang ikapitong anibersaryo ng kanilang relasyon.

Last year ay naging usapan sina Loisa at Ronnie matapos kumalat ang chismis na hiwalay na sila.

Ang naging ugat nito ay ang social media post ng aktres na may patama sa isang taong nangako na hindi tumupad.

Sey pa nga niya sa caption noon, “Promises are worse than lies, you don’t just make them believe, you also make them hope…(broken heart emoji)”

Dahil diyan sa post, mabilis na kumalat ang “breakup rumors” ng dalawa.

Kaagad namang nilinaw ni Loisa na hindi tungkol sa kanyang lovelife ang kanyang FB post.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …