Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Samantha Lopez SamLo Cup Kids for Jesus Foundation

Samantha Lopez patuloy ang pagtulong sa mga bata

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAPIT kay Samantha Lopez ang Kids for Jesus Foundation kaya ito ang beneficiary ng kanyanc 3rd SamLo Cup, sa nakaraang dalawang taon.

This year I partnered na mismo, before kasi beneficiary ko sila, ngayon I partnered with them na. Malapit sa akin ang Kids For Jesus Foundation because one, even before SamLo Cup ‘yung 1st Samlo Cup, I help [them] na,” kuwento ni Samantha ukol sa 

 celebrity golf tournament na ginagawa niya tuwing Oktubre 17, kaarawan niya.

My bestfriend kasi is the founder of Kids For Jesus Foundation, her name is Jessica Guevara Everingham. She’s like a sister to me, her parents are my second parents.

“So iyon. Sumasama na ako sa mga feeding programs nila and I’ve seen it. So bakit pa ako lalayo? They have seven branches, all year long nagpi-feed kami ng kids at itinuturo namin kung sino si Jesus, about God, reading the Bible, ganyan.

“So lahat iyon sponsored.

“At least now, kung anong kikitain namin [sa 3rd SamLo Cup], may pondo na kami. Hindi na kami ‘yung mamomroblema, ‘This month sino kaya mag-i-sponsor?’

“Ang pagkakaiba is like beneficiary pa rin sila at the same time partner wherein si Jessica involved na siya. Kasama na namin ‘yung logo ng Kids For Jesus Foundation.

“It’s not just like SamLo Cup for the Benefit of Kids For Jesus Foundation, It’s like, SamLo Cup and Kids For Jesus Foundation, ayan,” saad ni Samantha.

Star-studded ang SamLo Cup sa pagdating nina Christopher de Leon at misis niyang si Sandy Andolong (na cast member ng Magandang Dilag ng GMA), Glenda Garcia (na abala sa bagong GMA series ni Jo Berry na Atty. Matias), Maey Bautista, Maricar de Mesa, Francine Prieto, Daisy Reyes, Janelle Jamer, Nonie Buencamino, Regine Angeles, Alvin Anson, Vince Hizon at sina Randy Santiago at Dingdong Avanzado na parehong nag-mini concert, same with 6Cyclemind vocalist na si Tutti Caringal at Lito Camo na mga umawit din sa after party at awarding ceremonies pagkatapos ng tournament.

Naroroon din si Geneva Cruz na nag-perform ng kantang Anak Ng Pasig kasama ang mga batang nakatira malapit sa Ilog Pasig na bahagi ng feeding program ng Kids For Jesus Foundation.

Dumating at pareho ring nag-golf sa umaga pa lamang sina Cesar Montano at Derek Ramsay minus Ellen Adarna.

Naging host ng event, bukod siyempre kay Samantha, sina Pinky Webb at Anthony Suntay.

Si Samantha rin ang nag-opening number with her Jennifer Lopez medley dance number. Major sponsor nito ang San Miguel Corporation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …