Saturday , May 24 2025
Janelle Jamer Vice Ganda Ion Perez

Janelle kina Vice Ganda at Ion: Sana inihingi na lang ng tawad

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAHINGAN si Janelle Jamer, dating co-host sa Wowowee, ng komento tungkol sa suspensyon ng It’s Showtime dahil sa icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez.

Kasi puwede namang magkamali kasi live show nga siya, eh.

“Like what happened before naman sa amin, kahit ‘yung salitang ‘ihi’ yata, ‘ihi’ bawal naming sabihin, pinagbabawalan kami.

“Noong time namin bawal iyon. Bago pa kami sumampa sa stage bawal iyon, pinagbabawalan kami.

“So parang doon pa lang sa ‘ihi’ bawal na so alam na namin kung ano pa ang mas worse pa roon na hindi namin dapat sabihin,” saad ni Janelle.

Ano pa ang ipinagbawal sa kanila bukod sa salitang ‘ihi’?

Dati may binanggit akong ‘kesehoda’. ‘Kesehoda’, kasi ang pagkaintindi ko niyon, ‘kahit na’, ‘di ba?

“Eh parang sa Spanish yata may ibig sabihin iyon na medyo malisyoso.

“So medyo nasita ako doon ng direktor so, hindi ko na inulit.

So iyon ‘yung sinasabi ko parang puwede kang magkamali at puwede mo namang ihingi ng tawad, sana ganoon na lang ‘yung nangyari.

“And kung hindi sila napalusot ng MTRCB dahil siyempre nirerespeto rin natin ang MTRCB sa pananaw nila, kasi nandiyan nga sila ‘di ba para mabantayan ‘yung bawat kilos ng mga nasa telebisyon ngayon lalo na maraming bata at nanonood, desisyon nila ‘yun and iyon talaga ‘yung kailangang sundin natin.

“But then ako as a TV host sana ganoon na lang ang nangyari, na humingi na lang ng sorry, ‘Pasensiya na po’, ‘di ba?

“And sabihan sila ano ba talaga ‘yung mga bawal bago sila humarap sa TV.

“But then again minsan kahit sabihan ka kasi ng bawal like what I’ve said before, kung ano ‘yung nararamdaman mo na ibato,  or nadadala ka ng eksena kasi nagkakatuwaan kayo minsan nakakalimot ka,” esplika ni Janelle.

Dumalo si Janelle sa 3rd SamLo Cup ng matalik na kaibigan niyang si Samantha Lopez.

About Rommel Gonzales

Check Also

Andre Yllana Jomari Yllana

Andre ‘di kailangang magpaalam kay Jom sakaling magpapa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales SINO ba naman ang makalilimot sa mga hubad na larawan noon …

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …