ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
BUKOD sa likas ang pagiging matulungin, supportive rin ang Beautéderm CEO at President na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang masisipag na endorsers.
Kaya madalas din na may padalang loot bags na pang giveaways ang Beautederm sa mga presscon ng kanilang endorsers.
Kamakailan, nag-sponsor naman si Ms. Rhea ng block screening para sa bagong pelikula nina Ruru Madrid at Yassi Pressman na “Video City” sa SM City Telabastagan in Pampanga. Kasama rin si Bianca Umali sa sponsored screening.
Si Ruru ay isa sa Beautéderm babies ni Ms. Rhea.
Anyway, masayang ibinalita ng Beautéderm lady boss ang pagbubukas ng new store sa SM City General Santos last September 23. Kasama sa opening ang Beautéderm endorsers na sina Maja Salvador, Jelai Andres, Boobay, Pepita, Thou Reyes, DJ JhaiHo, Darla, Jessie Salvador, at EA Guzman.
Malakas ang sigawan ng fans at local supporters sa grand opening. Pinasiklab ni Maja ang dance floor. Pinakilig naman ni EA ang Gen San. Pasabog din ang performances ng iba pang endorsers na kasama.
Maituturing itong isa sa highlights ng brand sa buwan ng Setyembre. Sa statement na ipinadala, sabi ng business magnate na si Ms. Tan, “We are grateful for their love and support. It was a hit — fans were cheering for us, everyone was just so excited. This is another milestone. This new store is a testament to passion and a lot of hard work.”
Dagdag ng empowered female entrepreneur, “We’re reaching more people and changing the game. And it always warms my heart when people rave about our products. Their feedback means a lot.”
Patuloy ang pagiging game-changer ng Beautéderm lady boss. Gumawa rin ng ingay ang beauty event ng Beautéderm sa Robinsons Place La Union last September 30 kasama ang endorsers na sina Sanya Lopez at Kakai Bautista.
“The brand wouldn’t be this big without the consumers and celebrity endorsers’ support. Dahil sa kanila, mas marami pa tayong matutulungan na tao. If you’re blessed, share,” pagtatapos ni Ms. Rhea.
Abangan ang Pay Day Sale ng Beautéderm. Puwede rin mag-avail ng Beautéderm’s seller package for as low as P2,500. Para sa iba pang updates, bisitahin ang Beautéderm sa Instagram (@beautedermcorporation), Facebook (Beautéderm), Twitter (@beautedermcorp) at TikTok (@beautedermcorporation).