Sunday , December 3 2023
Beautederm Rhea Tan

Ms. Rhea Tan at Beautéderm, patuloy sa paghataw!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUKOD sa likas ang pagiging matulungin, supportive rin ang Beautéderm CEO at President na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang masisipag na endorsers.

Kaya madalas din na may padalang loot bags na pang giveaways ang Beautederm sa mga presscon ng kanilang endorsers.

Kamakailan, nag-sponsor naman si Ms. Rhea ng block screening para sa bagong pelikula nina Ruru Madrid at Yassi Pressman na “Video City” sa SM City Telabastagan in Pampanga. Kasama rin si Bianca Umali sa sponsored screening.

Si Ruru ay isa sa Beautéderm babies ni Ms. Rhea.

Anyway, masayang ibinalita ng Beautéderm lady boss ang pagbubukas ng new store sa SM City General Santos last September 23. Kasama sa opening ang Beautéderm endorsers na sina Maja Salvador, Jelai Andres, Boobay, Pepita, Thou Reyes, DJ JhaiHo, Darla, Jessie Salvador, at EA Guzman.

Malakas ang sigawan ng fans at local supporters sa grand opening. Pinasiklab ni Maja ang dance floor. Pinakilig naman ni EA ang Gen San. Pasabog din ang performances ng iba pang endorsers na kasama.

Maituturing itong isa sa highlights ng brand sa buwan ng Setyembre. Sa statement na ipinadala, sabi ng business magnate na si Ms. Tan, “We are grateful for their love and support. It was a hit — fans were cheering for us, everyone was just so excited. This is another milestone. This new store is a testament to passion and a lot of hard work.”

Dagdag ng empowered female entrepreneur, “We’re reaching more people and changing the game. And it always warms my heart when people rave about our products. Their feedback means a lot.”

Patuloy ang pagiging game-changer ng Beautéderm lady boss. Gumawa rin ng ingay ang beauty event ng Beautéderm sa Robinsons Place La Union last September 30 kasama ang endorsers na sina Sanya Lopez at Kakai Bautista.

“The brand wouldn’t be this big without the consumers and celebrity endorsers’ support. Dahil sa kanila, mas marami pa tayong matutulungan na tao. If you’re blessed, share,” pagtatapos ni Ms. Rhea.

Abangan ang Pay Day Sale ng Beautéderm. Puwede rin mag-avail ng Beautéderm’s seller package for as low as P2,500.  Para sa iba pang updates, bisitahin ang Beautéderm sa Instagram (@beautedermcorporation), Facebook (Beautéderm), Twitter (@beautedermcorp) at TikTok (@beautedermcorporation).

About Nonie Nicasio

Check Also

Rhea Tan Beautederm

Birthday celebration ng business mogul na si Rhea Tan star-studded, Bea, Maja, Sanya, Enchong, atbp. dumalo  

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio THANKFUL ang Beautéderm founder at chairman na si Ms. Rhea Tan sa kanyang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel kay Kathryn — ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan

SAMANTALA, matapos kompirmahin ni Kathryn Bernardo ang lbreak-up nila ni Daniel Padilla, ang aktor naman ang nag-post ng …

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Kathryn kinompirma hiwalay na sila ni Daniel

BINASAG na ni Kathryn Bernardo ang kanyang pananahimik. Inamin nitong hiwalay na sila ni Daniel Padilla. Idinaan ng …

Robi Domingo Andrea Brillantes Daniel Padilla 

Robi Domingo iginiit ‘di niya in-unfollow sina Daniel at Andrea: hindi ko naman kasi talaga sila pina-follow 

NILINAW ni Robi Domingo na hindi totoo ang mga naglalabasang tsika na in-unfollow niya sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla sa …

Arjo Atayde Judy Ann Santos John Arcilla

Judy Ann, John Arcilla makakasama ni Arjo sa bagong season ng Bagman

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-BONGGA naman ng bagong season ng Bagman na pinagbibidahan ni Arjo Atayde dahil isasali …