Thursday , June 4 2026
Kim Chiu JM de Guzman Paulo Avelino Linlang

Paulo, Kim, JM mapangahas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Samantala, mapangahas ang mga karakter na bibigyang buhay nina Kim, Paulo, at sa  suspense-thriller series na Linlang.

Iikot ang kuwento ng serye kay Victor “Bangis” Lualhati (Paulo Avelino), dating boksingero na naging seaman, at sa kanyang pagtuklas ng katotohanan sa likod ng pagtataksil ng kanyang asawang si Juliana (Kim Chiu).

Sa pag-iimbestiga ni Victor kay Juliana, madidiskubre niya na hindi lang simpleng pangangaliwa ang ginawa nito.

Pero sa pag-ungkat niya sa katotohanan, mapipilitan siyang harapin ang mga pagkukulang niya at alamin ang halaga niya bilang lalaki at bilang asawa.

Salamat sa tiwala and thank you [to Prime] for providing us a platform na maipalabas itong series na pinaghandaan talaga namin. Sobrang excited ako na mapanood siya worldwide,” ani Kim para sa pagiging parte niya sa panibagong collab serye ng ABS-CBN at Prime Video, pagkatapos ng Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.

Makakasama rin nina Kim, Paulo, at JM ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.

Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …