Friday , June 13 2025
Kim Chiu Linlang

Kim Chiu nakakawala sa comfort zone — Gusto kong mag-grow. Natatakot ako. Kinakabahan ako.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na ikagugulat ng marami ang gagawing pagpapaka-daring ni Kim Chiu sa bago niyang seryeng Linlang kasama sina Paulo Avelino at JM de Guzman na likha ng ABS-CBN at Dreamscape, at eksklusibong ipalalabas sa Prime Video sa Oktubre 5.

Isa kami sa nakapanood ng first two episodes advance screening ng Linlang na ginawa sa Cinema ‘76 at talagang lahat ay namangha, nagulat sa mga pasabog na eksenang napanood namin. Ang tinutukoy namin ay ang matinding lovescene nina Kim at Paulo na ngayon lamang ginawa ng aktres.

Kaya naman natanong ito ukol sa eksena kung paano siya napapayag at paano ginawa.

Happy naman,” pagbibiro nito. “‘Yung eksena namin ni Paulo…nagpapasalamat din ako sa aming mga direktor dahil sobra nila akong inalagaan, tinanggal nila ang mga kaba, takot dahil sa kanila talaga ako kumapit lalo na sa unang eksena. Sabi ko, ‘Direk (FM Reyes) gusto kong mag-grow, pero paano? Natatakot ako! Kinakabahan ako.

“Tapos sabi niya, ‘magtiwala ka lang sa akin ako ang bahala.’ Ayun, then ang dami niyang paliwanag, ganito, ganyan. Eh parang si direk FMR ngayon lang kami nagkatrabaho sa isang series and then second day pa lang ng taping namin iyon ginawa na namin na agad ang eksenang iyon ni Paulo.

“Siyempre sobrang tahimik siya (Paulo) first day pa lang, sabi ko sa sarili ko, ‘paano ko kaya siya kukuwentuhan tapos hindi naman siya natatawa sa akin? ‘Paano ito ang hirap.’ Tapos second day kinakabahan pa rin ako pero parang ‘sige’ eh game siya, game rin ako. Kunwari seryoso na lang ako tapos hanggang sa nagpapasalamat din ako sa kanya dahil pinadali naman niya ‘yung mga bagay na kinakabahan ako.”

Ipinaliwanag pa ng aktres na, “Everytime na nag-step ako sa set namin sobrang kabado talaga ako. Kasi hindi ko talaga ito forte at hindi ko talaga ito comfort zone. And hindi ako confident kung maayos ko ba siyang magagawa ang made-deliver. And dahil sa mga direktor namin, and dahil sa mga co-actor ko na sobrang galing, naaangat naman nila ako at natutulungan nila ako. Iyon ‘yung ipinagpapasalamat ko sa series na ito.”

Mayroon ding maselang eksena si Kim kay JM pero mas madali iyon kompara ng ginawa nila ni Paulo.

“‘Yung kay JM abangan na lang ninyo. Pero nagka-work na kami sa movie kaya hindi ito ang first time naming magka-eksena and nakapag-kuwentuhan naman kami before. 

“And si Paulo first time kong nakatrabaho, and ‘sobrang galing mo pala,’” patapik na sinabi ni Kim kay Paulo.

Paliwanag naman ni direk FM sa matinding ginawa (lovescene) ni Kim, “I appreciate Kim how I look her as an actress. Lagi kong sinasabi sa kanya na she reminds me of Gong Hyo-jin (Korean actress na nagbida sa Crush and Blush) sa hitsura niya. I work with her (Kim) sa ‘Star Drama Theater Presents’ along time ago and I didn’t realized that she’s a happy person, a jolly person. Pero sinasabi nga ‘yung masayahing tao malalim ang ibinibigay. When I talked to her to do this show, napaka-humble lang siguro while she was saying na ninenerbiyos siya.

“Struggle iyong pagtaas ng legs (Kim) kasi ako parang reyna siya ng Prime galing sa ‘Fit Check’ na comedy and light when they presented the story to me and they said it’s going to be Kim (lead actress) ‘I said ow finally makikita natin ang versatility niyong bata kasi talagang sobra, end to end eh. Kaya medyo kinakabahan siya.”

Isa pa sa rebelasyon ni direk FM kay Kim nang mahuli niyang may notebook ito.

“Nahuli ko siya, she has this notebook, where we shoot 3-4 episodes, tumatalon-talon, by accident nakita ko ‘yung notebook dahil pakialamero ako, she has her handwriting on it, she’s taking notes on every movement of the story of where the character is going. And I’m so amazed, superstar as she is ganoon siya ka-dedicated sa trabaho. 

“I was doing it, I was also scared kung saan ko dadalhin si Kim bilang prinsesa siya ng Philippine film industry and as we went along kailangan ipaliwanag sa kanya and if she perfectly understands it gagawin niya. So while doing that, sabi ko magaling ang batang ito and I’m sure when you saw the episodes marami pa iyon, 14 kung hindi kayo makahinga sa first 2, walang kikibo hanggang sa matapos. 

And talagang nakaalis siya sa comfort

zone niya and she’s free,” sabi pa ng direktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …

Aiko Melendez Fast Talk With Boy Abunda

Aiko sinagot pangarap mag-mayor ng Quezon City

MA at PAni Rommel Placente MULING nanalo ang award-winning actress na si Aiko Melendez nang tumakbo siya …

Ruru Madrid

Ruru hindi napigilang mapaluha sa last taping day ng Lolong

MA at PAni Rommel Placente EMOSYONAL ang cast at production staff ng seryeng Lolong: Pangil ng …

Cecille Bravo 2025 Manila Intl Fashion Week

Celebrity businesswoman/Philanthropist Cecille Bravo rumampa sa 2025 Manila Int’l Fashion Week

MATABILni John Fontanilla ISA sa rumampa sa 2025 Manila International Fashion Week na inorganisa ni Bench Bello, ang …

Sylvia Sanchez Cannes

Alemberg sinupladuhan si Sylvia, napagkamalang hao siaoprodu

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng multi-awarded actress at film producer Sylvia Sanchez kung paano nabuo ang collaboration …