MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging sikat na influencer, part time actress, at matagumpay na negosyante, ngayo’y recording artist si Rosmar Tan at ang kanyang mister na si Nathan Pamulaklakin.
Hindi nga lang isa kung hindi dalawa ang kanta ni Rosmar na siya mismo ang nag-compose, ang Manalamin at Utang.
Ayon kay Rosmar nabuo niya ang kanta dahil sa kanyang mga basher.
“’Yung mga basher ko po at mga taong nangmamaliit sa akin ang naging inspirasyon ko kaya nabuo ko ‘yung kanta.
“Para sa kanila talaga ‘yung mga song na ‘Manalamin’ at ‘Utang.’
“Ako ‘yung gumawa ng lyrics at tinulungan naman ako ni Rusty sa music.
“Kasama ko sa mga song ‘yung very supportive kong husband na si Nathan, siya talaga ‘yung kumakanta ako tsamba- tsamba lang ha ha ha.”
Masaya si Rosmar dahil mataas na ang views ng kanyang mga song na uploaded sa kanyang Youtube Channel na ang kantang Manalamin ay umabot na sa 3.2 Million views, habang 600k plus naman ang kantang Utang.
Trending na rin sa Tiktok at Facebook ang kanta ni Rosmar na kinakanta na rin ng mga bata, teenager at matatanda.