Mel Tiangco Kapuso Foundation, Sagip Dugtong Buhay 2023

Sparkle handler nagtaray, alagang starlet ‘di memorize ang kanta 

MATABIL
ni John Fontanilla

AFTER ng issue ng panghahawi ng mga handler ng Sparkle, isa na namang tulad nila ang nagtaray sa event ng Kapuso FoundationSagip Dugtong Buhay 2023  na ginanap sa Mall Atrium ng Ever Commonwealth, Quezon City kasabay ang selebrasyon ng kaarawan ni Ms. Mel Tiangco.

Ang siste pataray na sinabihan nito ang isang taga-Kapuso Foundation na bakit daw ang tagal isalang ang kanyang starlet na alagang babae.

At dahil atat na nga ang handler na misalang ang kanyang starlet na alaga ay pinagbigyan ito, kahit na may sinusunod na sequence guide.

Pero nang isalang daw ang alaga nito ay naloka ang mga taong naroon dahil hindi nito memorize ang lyrics ng kanta.

Kaya paalala lang sa nagtaray na handler na sa susunod i-practice mo muna alaga mo at ipa-memorize ang kanta para hindi magkalat sa stage.