Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali Jillian Ward

Handlers nina Ruru, Bianca, at Jillian nanghawi  sa GMA Gala 2023

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAPIT na ang Star Magic Ball 2023 atbigla kong naalala ang isa kaganapang nangyari sa GMA Gala 2023 na umariba na naman ang mga hawi boys and girls ng mga artistang dumalo.

Nakagugulat na maging sa mistulang  get together ng mga celeb ng Kapuso Network ay present pa rin ang mga hawi boys and girls.

Ilang insidente nga na nasaksihan namin at kami mismo ang naka-experience na magpapalitrato kina Ruru Madrid and Bianca Umali pero hinawi kami ng handler yata ng dalawa, mabuti na lang at close kami sa aktor na nagsalita ng, “Okey lang si Kuya John, janna chu chu ‘yan.” 

Magiliw na nagpalitrato naman sina Ruru at Bianca, na ‘di na nagawang magpakuha dahil hinawi na ng mga hawi boy and girl. 

At naulit pa ito kay Jillian Ward na bawat lumapit at magpakuha ay hinahawi ng handler.

Feeling yata ng mga handler ng Sparkle nasa mall show or presscon sila kaya super hawi siya. Hindi yata nila naisip na nasa GMA Gala na isang okasyon na pagsasama-sama at bonding na rin ng mga Kapuso artist and special guests.

Hindi pa yata natuto ang mga ito sa kuwento ng panghahawi sa press ng handler ni Alden Richards o sadya lang nagpa-power trip ang mga ito. Tanong lang naman?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …