Shira Tweg

Shira Tweg arangkada sa concert series

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA si Shira Tweg sa magiging frontliners ng concert series ng Erase Beauty Care Concert na lilibutin nila ang buong Pilipinas.

Kaya naman sobrang saya ni Shira lalo na’t matagumpay ang kanilang first leg of series na ginanap last August 5, sa Navotas City Sports Complex dahil maraming tao ang pumunta at nakisaya sa kanila.

Kasama ni Shira sa concert series sina  Erika Mae  Salas, Kapuso Actor Joaquin Domagoso, Bernie Batin, Christi Fider, Karl Zarate, Janah Zaplan, at John Gabriel.

Nakasama si Shira sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Mo , The Rey Valera Story noon na ginampanan ang young Sharon Cuneta na isa sa kanyang paboritong singer at aktres.

Sa September 2 ay magpe-perform ang buong grupo nina Shira sa  Dream Zone, Batangas City.