SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
OKEY lang at walang problema kay Christian Bautista kung ang asawa niyang si Kat Ramnani ang magpapalakad ng kanyang career. Actually, mas proud pa nga siya at mas gusto niya pa ang bagong development na ito sa kanyang career.
Isa si Christian sa limang talent na ipinakilala sa NYMA Cosmic Trailblazers presscon na isinagawa sa Power Mac Center Spotlight, Circuit Makati. Rito’y ipinakilala ang mga bagong talent ng NYMA (Now You Must Aspire) na pinamumunuan ni Kat ang kanilang mga alaga. Isa si Christian sa mga ito, co-managed ng Stages ni Carlo Orosa.
Kasama ni Christian sa NYMA ang tinaguriang “lumpia kween” na si Abi Marquez, ang Home Buddies “Mayora” na si Frances Cabatuando, ang visual artist at content creator na si Raco Ruiz, ang cycling advocate na si Lester “Buji” Babiera, si Jukay “Jookstogo” Jurao, ang American singer-songwriter na si Jamie Miller, at ang Korean-American singer, songwriter, actor at podcaster na si Eric Nam.
At dahil asawa ni Christian ang CEO ng NYMA naitanong sa mag-asawa kung paano ang takbo ng relasyon nila? Si Kat na kasi ang nagma-manage sa career ng kanyang asawa.
“Hindi ba pangarap ‘yan ng lahat na maging boss mo ‘yung asawa mo?” biro ni Kat. “Pero joking aside, may solusyon lang po riyan. Simple lang po ‘yan. Ipapasok ang third party. Pero hindi third party na relationship.
“Third party sa management. So, with NYMA, we have the amazing Karen Tumbali. Karen Tumbali heads my talent team. I look after the entire NYMA business.
“Karen has 20 years of talent management experience. So, Karen personally oversees Christian’s career and the direction and partnership with Mr. Carlo Orosa and the rest of the Stages group,” esplika ni Kat.
“Lahat ng mga plano, naka-presentation deck, pinagplanuhan, binigyan ng oras, and talagang pinag-isipan, may pagmamahal.
“‘Yun ang sabi nila, hinihingi muna nila kung ano ang gusto mong gawin, tapos sige try natin. So, mayroong collaboration. Pero sino ba talaga ang boss sa bahay? Madali lang ‘yan, si Jesus!” sagot ni Christian nang matanong kung sino ang boss pagdating sa bahay.
“I think that our worklife is separate from our homelife right now. Our marriage is a separate thing from working together.
“But in our house, the true boss is our dog Zorro. Because our life revolves around him. So, in our home, aso ang totoong boss,” esplika naman ni Kat.
At kapag tinanong ang singer/actor/host kung anong klaseng asawa si Kat, “The best! The best wife, sobra!”
“Kapag na-meet mo na talaga ‘yung the one in your life, parang ang dali ng lahat. Kahit ano pang pinagdaraanan n’yo, kaya n’yo ‘yun. Kasi, minamahal n’yo at iniintindi n’yo ang isa’t isa,” at biglang bumanat ito ng kanyang signature song na The Way You Look at Me sabay luhod sa harap ni Kat at halik sa mga kamay nito.
“One of the reasons why I joined their wonderful company along with Stages, of course, is ‘yun nga ‘yung direction nila, ‘yung strategy. I need to be in this space, in this digital. I’m so excited for the future. I’m so proud.
“I’m so appreciative with my manager, sina Carlo, sina Kuya Audie (Gemora) and talagang… again with NYMA kasi, parang together, they saw potential. I’ve been here parang 20 years. I’ve done movies, radio, concerts, teleseryes, what’s next?
“Sa panahon ngayon, the way to go really is collaboration para tulung-tulong, partner tayo at kung kanino next tingnan natin,” esplika ni Christian kung bakit pumayag siyang i-manage ng kanyang asawa.
“NYMA represents a vision—for artists to aspire and realize their dreams, for the world to get to know Filipino talent, and to expand opportunities for great international talents to connect with their Filipino fans. I am proud of what we have built and honored that these artists and their respective managements have chosen to collaborate with us,” giit pa ni Kat.
Kaya sahan ang pag-arangkada nina Christian, Eric, Jamie, Abi, at Buji ngayong kasama na nila sa kanilang professional journey ang NYMA na tutupad sa kanilang matayog na pangarap.