Wednesday , July 16 2025
Markus Paterson Janella Salvador Jude

Marcus puring-puring si Janella: ang galing niyang mama, I see the way she sacrifices her time

MA at PA
ni Rommel Placente

AMINADO si Markus Paterson na nami-miss niya ‘yung mga panahong may relasyon pa sila ni Janella Salvador.

“Nakaka-miss din na may maghihintay sa ‘yo sa bahay. You know, when you wake up and you tell them about your day or you tell them about your dreams, nakaka-miss din ‘yun,” sabi ni Markus sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.

Dagdag niya, “Kasi, I don’t know, I’m a relationship kind of guy, but being single for this long has kind of like helped me focus more on myself.

“Kasi ang dami ko ring faults, eh, ang dami ko ring imperfections about myself na kailangan ko ring iayos.”

Inaayos naman niya ang lahat ng mga imperfections niya para maging isang mabuting ama para sa anak nila ni Janella na si Jude.

Nang tanungin kung may balak ba siyang balikan pa si Janella, ang sagot niya, “Mahirap sabihin, eh. Kasi parang hindi naman kami nagkikita. Hindi naman kami nag-uusap araw-araw tungkol sa sarili namin. Puro tungkol kay Jude, eh. Araw-araw naman kaming nag-uusap but tungkol kay Jude, of course.

“Gusto ko lang na maging masaya siya at masaya naman siya sa buhay niya ngayon. Busy siya sa work niya and everything is going smoothly. Sobrang okay ‘yung co-parenting ano (set-up) namin,” aniya pa.

Hindi pumapasok sa isip ko na parang ‘do I wanna get back with her?’ It’s just not priority right now for either of us, I feel. Parang mas focused kami kay Jude ngayon,” sabi pa ng aktor.

Gaya ni Janella ay single pa rin si Markus. Wala pa sa isip niya ang manligaw ulit.

Samantalala, puring-puri naman ni Markus si Janella sa pagiging mabuting ina nito kay Jude.

The better question is ‘what can I say bad about her?’ There’s not much. I don’t think there’s anything at all. Unang-una, ang galing niyang Mama. I see the way she cares for Jude. I see the way she sacrifices her time, her downtime from work just to spend time with him, kasi ang bibo na niya (Jude) ngayon,” papuri ni Markus kay Janella.

“Hands on talaga siya. I couldn’t ask for a better mother for my child as I said. 

“And she’s an amazing co-parent. She never leaves me hanging talaga. Kapag gusto ko makasama si Jude, nagre-reply naman siya. 

“’Pag tumawag ako, gusto kong makita si Jude, sasagot siya and vice versa,” pagbabahagi pa ni Marcus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JC Santos Rhian Ramos Meg and Ryan

Rhian pinuri story, acting, artistry ng Meg & Ryan: Hindi tinipid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si Rhian Ramos na super blessed ang kanyang 2025. Nariyan ang kanyang …

Jack Medina

OPM artist Jack Medina gagawa ng sariling pangalan, kasikatan ni Josh Cullen ‘di sasakyan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez GWAPO at magaling kumanta ang bagong discover ng Roly Halagao Casting Production, …

Dina Bonnevie House of D

Dina nagtampo sa Diyos

RATED Rni Rommel Gonzales KINAMUSTA namin si Dina Bonnevie makalipas ang anim na buwan mula nang pumanaw …

Sa Likod Ng Tsapa The Colonel Hansel Marantan Story

Sakripisyo ng mga pulis ilalahad sa Sa Likod ng Tsapa

RATED Rni Rommel Gonzales DOCU-FILM ang Sa Likod Ng Tsapa: The Colonel Hansel Marantan Story, kaya …

Marqui Ibarra Jak Roberto Dennis Trillo Kathryn Bernardo

Dennis at Kathryn gustong makatrabaho ni Marqui Ibarra

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang bagong alaga ng Artist Lounge Multi- Media Inc., ang18 years old …