Friday , May 17 2024
Charlie Dizon Elisse Joson Alexa Ilacad Loisa Andalio

Charlie, Elisse, Alexa, at Loisa may kompetisyon?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGBABALIK si Charlie Dizon sa isa na namang tiyak kakikitaan ng kanyang galing sa drama, ang handog ng Dreamscape, ang afternoon series na Pira-Pirasong Paraiso.

Gagampanan ni Charlie ang isa sa kapatid, pinakamatanda, kina Elisse Joson, Alexa Ilacad, at Loisa Andalio.

Very thankful si Charlie na pagkatapos ng kanyang Viral Scandal  ay nasundan naman nitong Pira-Pirasong Pangarap

“Lahat naman ng ginagawa nating shows sa ABS-CBN ay in the service of the Filipino viewers. ‘Yun yung ikinaka-proud namin na kami ulit ‘yung magsisimula ng panghapon kasi for sure maraming nag-aabang na viewers natin para mabigyan din sila ng show na pang hapon,” sambit ni Charlie sa isinagawang media conference ng Pira-Pirasong Paraiso kamakailan.

Sinabi pa ng aktres na, “We’re very grateful talaga na naging part kami ng project na ito na first collaboration ng TV5 at ng ABS-CBN. Of course, mas dadami ‘yung reach namin kasi ipalalabas din kami sa TV5 and mas maraming makakanood. At ‘yun naman ‘yung mas importante sa amin, na sana mapanindigan namin ‘yung service for the viewers.”

Aminado si Charlie na muli niyang naipakita ang galing niya sa pag-arte lalo’t maraming mabibigat at pasabog na eksena.  Halos wala nga raw patlang ang kanyang pagluha rito.

“Abangan niyo. Halos lahat yata ng eksena ko rito lumuluha ako. So, sinisigurado ko na punompuno ito ng drama, punompuno ng pagmamahal. Marami ring sigawan at marami ring lodi moments na aabangan niyo rito na gigising sa hapon natin.

“Actually, ‘pag nag-progress ‘yung istorya baka magkaroon ako ng ka-love team. So, aabangan natin ‘yun kung kailan. Pero sa introduction pa lang nakita natin na may asawa ako rito, so first time ko na ganoon ‘yung character ko kaya mas matured talaga ‘yung atake ultimo ‘yung delivery.  

“And siyempre panganay ako sa magkakapatid pero sa totoong buhay bunso kasi ako. So, roon ako nag-a-adjust talaga, kung paano ako sobra magpapaka-ate tapos kung paano ko ipakikita yung lambing ko as a panganay. ‘Yung care ko dapat sa mga kapatid ko, lalo na noong bumabawi ako sa kanila,” anang batang aktres.

At dahil apat silang bida sa panghapong seryeng ito natanong sila kung mayroong inggitan at rivalry sa kanila. 

“Noong pumasok kami sa show na ito, naka-mindset kami na magkakapatid kami rito so, talagang kailangan magsuportahan at saka kami rin ‘yung mahihirapan kung may nag-aaaway-away. 

“So, parang naka-goal kami na ganoon, walang mag-aaway away, mag-uusap kung may problema,” paliwanag ng aktres.

Kung may eksena na hindi komportable, pag-uusapan talaga. And lahat naman ‘yun nakasuporta ‘yung staff namin at sila direk. So, wala kaming na-feel na ganoon. Siguro sila rin mismo hindi nila na-feel sa amin na mayroong competition,” giit pa ni Charlie. 

Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Charlie sina Elisse, Alexa, at Loisa kaya imposibleng magkaroon sila ng hindi unawaan sa trabaho. 

Actually hindi namin ito first time na magkasama-sama. First time siguro in one teleserye na magkakasama kami na kompleto kaming apat. Pero si Loisa nakakasama ko siya sa ‘ASAP,’ si Elisse roon ko lang din nakikita minsan at saka si Alexa sa ‘Four Sisters Before the Wedding’ pa,” esplika ng dalaga.

Sinabi pa ni Charlie na may kanya-kanyang ugali ang tatlo na kahit sino’y makakasundo. At talagang na-feel niya sa tatlo na pwede silang maging magkakapatid kahit magkakaiba ang kani-kanilang magulang.

“May quality sila na nakikita kong parang kapatid ko sila. Si Alexa siya talaga ‘yung smart, siya ‘yung taga-isip namin talaga kapag mga complicated na sitwasyon. Si Loisa malambing. Siya rin ‘yung palatawa. Kami ‘yung sobrang kapag nag-e-eksena kami lagi ang may iyakan. Pero before take, ang hirap kasi tawa kami ng tawa talaga. So siya ‘yung parang nagbibigay din ng kasiyahan sa set.

“Si Elisse ‘yung pinakamahinhin, siya ‘yung pinaka-girly. Siya ‘yung ina-idolize ko pagdating sa beauty, sa fashion, ganyan. Si Elisse ‘yung tinitingnan ko roo. Kapag about mga beauty product, si Elisse ‘yung magaling. Siya rin ‘yung parang sosyal. So, halimbawa kailangan sa mga ganoong sitwasyon, si Elisse ‘yung pini-peg ko talaga eh,” sambit pa ni Charlie.

Kasama rin sa Pira-Pirasong Paraisosina Ronnie Alonte, KD Estrada, Sunshine Dizon, Epy Quizon, Art Acuña, Markus Paterson, at Argel Saycon. Ito ay mula sa direksiyon ni Raymund Ocampo sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.  Mapapanood na ito simula July 2, 3:00 p.m.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …