PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NOON pa naman bilib kami sa pagiging straight forward sumagot ni Ronnie Alonte.
Kaya expected na naming babanggitin niya si Loisa Andalio bilang ‘paraiso’ niya sa mga panahong ito na si Ronnie rin naman ang isinagot ng batang aktres.
Ani Loisa, si Ronnie ang nakikita niyang ‘forever’ para sa kanya.
We felt the sincerity and honesty sa kanilang mga sagot, kaya natural din ang kilig nila sa amin. Kaya’t sa series nilang Pira-Pirasong Paraiso, alam naming hindi sila patatalbog sa mga kasamahan nila.
Makaka-back-to-back nila sa hapon ang Nag-aapoy Na Damdamin na sabay eere sa July 25 (Tuesday) sa TV5 at mga platforms ng Kapamilya Channel.
Mapapanood ng 3:00 p.m. ang Pira-piraso habang 3:50 p.m. naman ang Nag-aapoy. Ito nga ang sinasabing magpapanumbalik ng labanan sa afternoon primetime ng mga network.