isko Moreno Eat Bulaga

Yorme Isko klik ang mga linyahang pinauuso sa Eat Bulaga

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAGALING magpa-uso ng mga linyahan si Yorme Isko Moreno sa Eat Bulaga.

Siya ang nag-coin ng mga katagang, “joy and hope o tulong at saya,” na siyang slogan o theme ng noontime show sa GMA 7.

Then may bago siyang one-liner na “Happy?” bilang pagtatanong niya sa isang portion ng show na hinu-host niya sa studio kasama ang iba pa.

May ginagawa silang skit na situational gaya ng Public Market etc., At dahil happiness ang nais nilang i-send na message sa live and TV audience, nagtatanong siya kung “happy” ang mga ito.

One-liner and yet very strong ang dating ng simpleng mensaheng nabanggit.

Nakatutuwa naman talaga.