Thursday , June 4 2026
Isko Moreno TVJ Eat Bulaga

Yorme sinaluduhan ang TVJ sa pilot episode ng TVJ sa TV5 

I-FLEX
ni Jun Nardo

SIMPLENG E.A.T. ang isinisigaw ng Tito, Vic and Joey and Legit Dabakads noong unang salang ng noontime show nila sa TV 5 last Saturday.

Bawat commercial gap, may nakalagay na TJV and the Dabarkads, Moving Forward To TV5.

Kung napanood ninyo ang pilot telecast nila, kinanta pa rin nila ang OG theme song ng Eat Bulaga. Pero sa halip na ang salitang bulaga ang gamitin, pinalitan nila ito ng E.A. T.!

Hindi pa tapos marahil ang labanan sa titulong Eat Bulaga.

Gayunman, napanood namin ang opening number nito at lipat-bahay ang konsepto. Parang tulad ng ginawa nitong paglipat mula Channel 2 papunta sa Channel 7.

Maraming naging emosyuonal sa pagbabalik sa TV ng Legit Dabarkads. Kaya hayun, bumuhos ang milyong viewers pati sa online at pati TV commercials ay tambak talaga, huh! Sa bagong EB naman, sinaluduhan ni Isko Moreno ang TVJ sa bagong tahahan at pati na ang grupo ni Vice Ganda sa It’s Showtime  na sa GTV ang bagong bahay.

Day 2 ngayon, Lunes, nang bakbakan sa tanghali. Mas magaling pa rin sa hosting at pagpapatawa ang TVJ at Legit Dabarkads!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …