Vivoree Esclito

I-FLEX
ni Jun Nardo

NABIGO na pala sa una niyang pag-ibig ang Pinoy Big Brother alumnus at akres  na si Vivoree.

Eh nakausap sa Marites University si Vivoree at sinabing wala siyang boyfriend ngayon.

Nakailang ka-loveteams na siya pero walang relasyong naganap sa ka-loveteam niya.

Basta sa pagiging bahagi ng PBB, nawala ang pagiging introvert ni Vivoree at handang-handang lumabas sa hamon ng career at buhay.