Tuesday , December 24 2024
Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, Senador Francis “Chiz” Escudero at Senate Minority Leader Aquilino pImentel, JR. ang kasalukuyang bersyon ng senado panukalang Maharlika Investnent Funds (MIF) na kasalukuyang idenedepensa session floor ni Senador Mark Villar.

Naniniwala sina Marcos, Escudero at Pimentel na samyadao pang malawak ang isinasaad ng naturang panukalang batas partikular ang pondong ilaan dito kung saan talaga kukuhanin.

Iginiit pa ng mga senador na hindi kailangang madaliin ang pagpapasa mng naturang batas sa kabila ng ito ay inihayag ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na isang urgent bill.

Nagbanta din ang mga mambabatas na hinid sila papayag na madaliin ang naturang panukala lalo na’;t nakasalalay din dito ang kinabukasan ng mga susunod na salinlahi.

Aminado pa ang mga tatlong senador na mayroon pang mga katanungang nangangailangan ng kasagutan na hanggang sa ngayon ay hindi pa nasasagot.

Tinukoy din ng mga senador na maging ang ibang mga foreign soveriegn funds ay pawang mga nasa peligro din.

Ipinagtanggol naman ini Senate Majority Leader Joel Villanueva ang naturang panukala na aniya hindi naman nila minamadali subalit tumugon lamang sila sa panawagan ng Pangulong Marcos.  

Tiniyak din ini Villanueva na tulad ng ibang mga panukalang batas na kanilang tinalakay ay dadaan sa tamang proseso ang naturanh panukala. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …