I-FLEX
ni Jun Nardo
MALUNGKOT ang pelikulang Unravel na isa rin sa entries sa Summer MMFF na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Gerald Anderson.
Buti na lang, bongga ang location ng shoot nito sa Switzerland kaya feeling namin, muli naming nabisita ang bansa na matagal na naming napuntahan.
Ang naisip namin, isang old movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon ang movie dahil magaling sina Gerald at Kylie kahit silang dalawa lang ang nasa screen.
‘Yun na lang, ang laking twist sa bahagi ng last part ng movie na tutulo at madudurog ang puso ng manoonood! Ang kuwento nina Noah (Gerald) at Lucy (Kylie) ang maiiwan sa puso at utak ng manonoood.
Galing palang umiyak ni Gerald.