Monday , May 20 2024
Elijah Canlas Cornerstone Entertainment

Elijah Canlas excited sa mga nakapilang projects, masaya ngayong alaga na ng Cornerstone Entertainment 

MASAYANG-MASAYA at excited si Elijah Canlas ngayong nasa pangangalaga na siya ng Cornerstone Entertainment.

ibinalita ni Elijah, nang humarap ito sa entertainment press kamakailan nang ipakilala siya bilang kapamilya na ng Cornerstone Entertainment ang mga gagawin niyang projects sa mga susunod na buwan at taon.

Isa na rito ang collaboration na inihahanda ng team ng Cornerstone para sa kanyang showbiz career.

“Cornerstone Entertainment is a prestigious company. It’s an honor to be part of this family. Papasok ako ng bagong chapter in my career…in my very, very young career. I’m not sure what’s gonna happen but I’m sure it will all go up,” anang award winning actor. 

Nasabi ni Elijah na isa sa mga nilu-look forward niya ang pagsasama nila uli ng kanyang girlfriend na si Miles Ocampo sa isang project na alaga rin ng Cornerstone.

Excited na rin si Elijah na ma-explore ang pagiging musician, “Some of my songs were supposed to be released last year but it was delayed because people might confuse about my acting career.

“Now we’re ready to release some of my songs. I write and produce my own music. It’s really different and fresh. I explore pop and R&B. But I’m also a big fan of rap music. Iba-ibang genre siya,” sabi pa ng aktor.

Bibida rin si Elijah sa Philippine adaptation ng South Korean blockbuster movie na Keys to the Heart kasama siZanjoe Marudo at idinirehe ni Kerwin Go mula sa Reality MM Studios. Gaganap din siya bilang Paciano sa upcoming historical movie na  GomBurZa na ipinrodyus ng JesCom Philippines. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …