Tuesday , July 8 2025
Liza Soberano Bea Alonzo

Liza Soberano sinagot tsikang nagpalaglag sa US

IGINIIT ni Liza Soberano na hindi siya nagpa-abort o nagpalaglag. Tugon ito ng aktres sa mga malisyosong tsika na nagpalaglag siya. Ito iyong natsismis siya noon na nabuntis umano siya ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil kaya nagtungo sa Amerika at doon isinagawa umano ang pagpapalaglag.

Tiniyak din ni Liza na never siyang magpapalaglag magpapa-abort sakaling mabuntis siya kahit hindi pa kasal.

Sa latest vlog ni Bea Alonzo sa YouTube, nilinaw ni Liza ang tungkol sa malisyosong chika na nagpalaglag siya sa Amerika noon. Sumalang ang aktres sa Lie Detector Challenge at isa nga sa mga naitanong ay ang walang kamatayang abortion issue.

“I was accused of that during the time I got operated on in the States for my finger,” panimulang pahayag ng aktres. Ito iyong nagsasanay siya para sana sa Darna.

Paglalahad ni Liza, nagsimula sa isang blind item ang malisyosong tsika sa isang male reporter hanggang sa pangalanan siya ng mga netizen. Kumalat ang nasabing fake news noong araw na dinala siya sa operating room para sa kanyang surgery.

Nalungkot lang daw siya dahil hindi niya maipagtanggol ang sarili sa kumalat na pekeng balita, “I wasn’t allowed to talk about it for some reason.”

Hindi rin daw siya makapag-update sa kanyang social media accounts dahil sa kondisyon niya kaya ang paniwala ng mga netizen ay totoo ang mga chika ukol sa kanya.

“At saka paano ako magpo-post (sa social media), I was wearing a cast, and I was always sick ’cause I was taking antibiotics constantly,” kuwento ni Liza.

Inamin ni Liza na medyo nag-gain siya ng weight matapos siyang magkaroon ng injury dahil hindi na siya nakakapag-workout.

“He (reporter) started making accusations towards me and there were blind items. He didn’t name-drop me, but it was so obvious because there were words like ‘Ang darnang hindi lumipad,’” sey ng aktres.

“It’s just sad that I couldn’t defend myself like that so I had to post the picture na nagpa-opera ako and for some reason people still didn’t believe it.

“I was in a really good relationship that was accepted by my people. If I did get pregnant, why wouldn’t I come forward with it?

“And I would never get an abortion because that’s not just something I believe in personally,” paliwanag pa niya.

Sa tanong kung ano ba talaga ang paniniwala niya sa isyu ng abortion, “For myself I wouldn’t do that, just because that’s my personal belief. But I don’t hold it against anyone else that does that.” (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

Kathryn pahinga pa rin ang puso, ayaw munang mainlab

REALITY BITESni Dominic Rea ANO nga ba ang totoo? Mukhang tahimik na ang tsismis patungkol …

Alden Richards

Alden kailangan ng proyektong hihigit sa Hello, Love, Again

REALITY BITESni Dominic Rea NASAAN na raw si Alden Richards? Aba’y ito naman ang tanong ng …

Outside De Familia Ruby Ruiz Joven Tan Dwayne Garcia Ana BC

Ruby Ruiz nangabog sa Outside De Familia

REALITY BITESni Dominic Rea IBANG klase! Napakahusay ni Ruby Ruiz sa pelikulang Outside De Familia ni Direk Joven Tan na prodyus …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Daniel pinatunayan ni Karla na loveless

REALITY BITESni Dominic Rea ITINANGGI ni Karla Estrada ang balitang nagkabalikan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.  “Hindi totoo …

Fyang Smith

Fyang sa kanilang PBB edition:  Pinaka-the best

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALOKA kami nang mapadaan sa feed ang tila “A.I,” na pagyayabang …