Monday , April 15 2024
Andrew Gan Nika Madrid Krista Miller Greg Colasito

Krista nasarapan sa lampungan kay Nika sa Upuan, Andrew kayang tanggapin sakaling magka-GF ng tibo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAS na ngayon ang pelikulang Upuan na available sa AQ Prime streaming app.

Tampok sa pelikula sina Andrew Gan at Nika Madrid, at Krista Miller. Directed by Greg Colasito, kasama rin dito sina Rob Sy, Boogie Canare, Shane Vasquez, Joyce Javier, at Juliana Victoria, with the special participation of Atty. Aldwin Alegre.  

Isa ang AQ Prime sa naging aktibo sa pagbibigay trabaho sa maraming artista at mga tao sa likod ng camera noong panahon ng pandemic, kaya malaking tulong din ang nagawa nila para sa showbiz industry.

Anyway, nagkuwento si Andrew hinggil sa kanilang pelikula, “Sa Upuan, I’m portraying the character of Sean, husband ni Cristina ( Krista).

“Its a GL (Girl’s Love) movie, but the difference po sa ibang GL film, focus ang story sa perspective ng dalawang beauty and sexy na girls. Nasanay kasi tayo kapag sinabi na lesbian, yung isa roon ay nagbibihis pang-lalaki.”

Inusisa naman namin ang aktres kung kamusta ang kissing scene nila ni Nika sa Upuan?

Tugon ni Krista, “Masarap, okay naman po ang kissing scene namin, okay naman pong katrabaho si Nika. Although noong nagsu-shoot kami, nagtatanong din siya tungkol sa mga ganyan.

“Okay naman po, masarap palang makipaghalikan sa babae.”

First time ba siyang nakipag love scene sa kapwa babae?

Lahad ng aktres, “Hindi, nakagawa na ako before pero sobrang tagal na niyon, siguro mga eigth years ago na iyon, kay Mara Lopez. Matagal na iyon, ganoon din siya, girflriend lang.

“Pero hindi siya katulad nitong ginawa namin ni Nika. Sobra-sobra ang tindi rito, kasi roon ay medyo pa-sweet pa iyon, eh. Pero rito kasi ay iba eh, may kainan, eh, hahaha! Mga tipong ganoon.”

Dagdag na sagot pa niya, “Oo passionate iyon at hindi bastusin, as in with love talaga iyong eksena.”

Paano kung may manligaw sa kanyang kapwa babae, same sex?

Diretsong sagot ni Krista, “Why not, hindi ba? Wala naman tayo sa gender, eh, kung totoong tao naman, bakit hindi?”

“Kasi noon ay naging ano rin ako, hindi naman totally tomboy talaga, pero naa-atract din ako sa kapwa ko babae. Until now naman…”

Ngayon, ang pipiliin ba niyang karelasyon, babae o lalaki?

Aniya, “Wala naman, wala naman akong ano, kahit babae o lalaki. Sa totoo lang, wala, kasi minsan, may nakikita akong ganyan na parang lesbian… so, roon ka na sa pagiging totoo talaga, walang ano kung ano pang gender iyan. Basta mahal ako at mahal ko rin, ang iniisip ko, mahal ko at happy kayo.”

Tinablan ba siya sa intimate scene nila ni Nika?

Tugon ni Krista,”Actually, yung scene namin ni Nika, in-apply ko lang kung paano kapag sa babae, Parang in-imagine ko yung sarili ko, ‘Paano ba ako maa-arouse’, yung mga ganyan.

“So, inisip ko na habang nagtatalik kami iyong ganoon, kasi kailangan na maging authentic yung scene ninyo, eh. Kasi, girl to girl, hindi ba parang kung tutuusin sa iba, sobrang ilang na gawin iyon eh.

“Pero iyon, inisip ko talaga, ano ba iyong kung paano maging effective sa babae, parang ganoon. So iyon iyong parang nasa utak ko talaga. Kumbaga, in-apply ko lang, ano ba ang gusto kong ginagawa sa akin? Mga tipong ganoon, iyon ang naisip ko.”

Natanong naman si Andrew, na halimbawa may girfriend siya na mahal na mahal niya, pero later-on nadiskubre niyang lesbian pala ito, ano ang gagawin niya?

Saad ng aktor, “Parang cute iyon ah, hahaha! Oo, naman, tatanggapin ko pa rin, … baka mas ma-enjoy ko pa iyon eh,” pabirong saad ni Andrew.

“Mas okay sa akin na ang karelasyon niya ay babae, kaysa kung lalaki. Baka kapag lalaki, hindi ko ma-take, pero kapag babae, baka puwede pa,” sambit pa ni Andrew.  

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Jameson Blake Lovi Poe

Jameson ibang-iba ang role sa Lovi Poe starrer

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna sa mga edgy roles ang aktor na si Jameson Blake sa bagong Regal movie …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice nanggulat sa Eat Bulaga bumagay Ice Ganda 

I-FLEXni Jun Nardo TINAWAG na Ice Ganda ni Joey de Leon si Ice Seguerra nang magbihis babae ito sa birthday episode ni Vic …

blind item

Boylet ni Showbiz Gay namamaga ang lalamunan, madalas ding may lagnat

HATAWANni Ed de Leon KUWIDAW ang isang showbiz gay, nalaman kasi niya na ang kanyang boylet …