Thursday , June 4 2026

Martin del Rosario bibigyang buhay ang kuwento ng isang amateur boxer

RATED R
ni Rommel Gonzales

Isa na namang natatanging pagganap ang maaasahan mula kay Kapuso actor at Sparkle star Martin del Rosariosa bagong episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi sa GMA.

Bibigyang-buhay ni Martin ang kuwento ni Bong, isang amateur boxer sa episode na pinamagatang Almost A Champion: The Renerio ‘The Amazing’ Arizala Story.

Isang boxing fan si Bong at mangangarap siyang maging professional boxer tulad ng idolo niyang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Para sa kanya, boxing ang mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan.

Supportive sa pangarap na ito ang kuya niyang si Andres,(Jon Lucas). Ito pa mismo ang gagastos para sa training ni Bong.

Paano makakamit ni Bong ang kanyang pangarap? Ano kaya ang mga pagsubok na haharapin niya habang tinatahak ang daan patungong tagumpay?

Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na Almost A Champion: The Renerio ‘The Amazing’ Arizala Story, March 4, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …