Tuesday , July 16 2024
2 People Talking

Pag uusap ng magulang at anak tulay para iwas depresyon — Solon

HINIHIMOK ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, ang pamunuan ng Kamara na ideklara ang buwan ng Febrero bilang “Buwan ng Nag-uusap na Pamilya.”

Mungkahi ni Rep. Robes, dapat manguna ang pamahalaan upang matugunan ang tumataas na kaso ng mga problema sa kalusugan ng isip sa hanay ng mga kabataan.

Nitong Martes, itinaas ni Rep. Robes ang alarma sa tumataas na kaso ng mga problema sa kalusugan ng isip sa mga kabataan kasabay ng mungkahing lumikha ng isang multi-agency task force na mangunguna sa mga programa at aktibidad na lilikha ng kamalayan sa nasabing usapin sa miyembro ng bawat pamilya sa mga komunidad.

Sa privilege speech ni Rep. Robes noong Martes, inihayag ang isang mas malawak na interbensiyon ng gobyerno dahil ibinunyag niya ang depresyon, pagpapakamatay, at mga sakit sa kalusugan ng isip ay salot sa kabataang Filipino bago at maging pagkatapos ng pandemya dulot ng Covid-19.

“As a mental health advocate, I believe in a practical and manageable solution to prevent and avert the loss of lives brought about by the invisible pandemic of depression and suicide. The recurring theme in these suicide stories is the lack of effective communication among members of the family,” ayon kay Rep. Robes.

Inihayag niyang batay sa isang pag-aaral na isinagawa ng Global School-Based Student Health Survey Philippines, tinatayang 17% ng 13-17 anyos ay nagtangkang magpakamatay isang beses sa isang taon.

“Ironically, the quarantine restrictions at the start of the pandemic kept parents and their children in the confines of their home but still many families failed to address issues on depression and suicide. The 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study revealed that symptoms of depression among our youth spiked from 2013 to 2021,” aniya.

Ang parehong pag-aaral ay nagpakita ng pagdoble ng ideya ng pagpapakamatay at mga pagtatangkang magpakamatay sa ating mga kabataan mula 2013 hanggang 2021 na sinabi niyang ang mga bata at kabataan (may edad 15-24 anyos) ay tinatangkang wakasan ang kanilang buhay.

“Imbes pagpapakamtay, ito ang yugto na dapat ay itinatayo nila ang kanilang mga pangarap at nagtatangkang angkinin ang mundo.”

Ang parehong survey ay nagsabi na noong 2013, 574,000.00 o 3% ng mga kabataang Filipino ang nagtangkang wakasan ang kanilang buhay.

“It is alarming to know that, in 2021, around 1.5 million Filipino youth or 7% committed suicide attempts,” ani Rep. Robes.

“Six out of ten of the respondents said that they did not reach out to anyone about it. And, if ever they did, who did they run to for help? Twenty-five percent (25%) sought help from friends, instead of their parents or guardians. Only 7% of suicide ideators reached out to their parents; and 5% from relatives. And this is heartbreaking. As parents, we ought to be the first people that our children run to in times of need. Tayo dapat ang unang sumbungan at takbuhan ng ating mga anak, ang hinahanap nila kapag sila ay malungkot o nasasaktan,” aniya.

Inihayag ni Rep. Robes, ang kanyang plano para sa isang mas malawak na interbensiyon ng gobyerno at komunidad upang matugunan ang mga problemang ito kasabay ng paghimok sa ilang ahensiya ng gobyerno, lalo ang Department of Education, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, ang Philippine Commission on Women (PCW) at Mga Bata na manguna sa mga programa at aktibidad na “lumilikha ng kamalayan sa kalusugan ng isip sa mga pamilya, magpapasimula ng dialogo sa pagitan ng mga magulang at mga anak, magpapalakas sa mga magulang at kanilang mga anak na epektibong ipahayag ang kanilang mga sarili, at makilahok sa malusog at positibong mga pag-uusap na inspirado at may pagnanasa.”

Maging ang maraming non-government at civic society groups na boluntaryong nagbibigay ng mga serbisyong sumusuporta sa pagtataguyod at kapakanan ng mga pamilya.

“‘Nak, usap tayo…” are three simple words that may make our children feel: they are valued and loved; their voices are important and deserve to be heard; they have someone to lean on during the difficult and trying times of their lives; that healing starts in the family; and that a beautiful world is possible,” panghihikayat ng mambabatas.

Ani Rep. Robes, hinihikayat niya ang mga kasama sa Kamara at ang kanyang asawang si Mayor Arthur Robes na maglunsad ng isang proyektong tinatawag na “One-Like-For-Life,” isang kampanya sa komunidad na inorganisa kasama ang mga doktor, nars, psychologist at iba pang mental health practitioner na magbigay ng payo sa ang kabataan at mga bata.

Kinilala rin niya ang partisipasyon ng mga kinatawan mula sa Emotional Reset Center, City College of San Jose del Monte, Bulacan, Bulacan State University, Colegio de San Agustin, DepEd City of San Jose del Monte, Bulacan, City Government Employees Association of CSJDM, Private Schools ng CSJDM, at mga apektadong pamilya, upang maging matagumpay ang kanyang pagsisikap sa San Jose del Monte.

“There is, therefore, a need to provide avenues to bring families to talk again,” mensahe ng congresswoman.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Retiradong empleyado, laging may stocks na Krystall Herbal Oil para sa kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          A blessed …

PBA draft 2024 Justine Baltazar

Justin Baltazar, no.1 pick sa PBA Season 49 Draft

PINILI ng Converge Fiberxers team si Justine Baltazar, 27 anyos, 6-foot-9 UAAP Champion noong 2016, …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Francis Tolentino

Sakripisyo, galing, at husay ng Pinoy nurses kinilala
Tolentino tiniyak PH Nursing Act of 2022 mahigpit na tututukan

PINURI ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy nurses hindi lamang …

Bongbong Marcos Francis Tolentino

Tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Calabarzon Region sa pamamagitan ng TUPAD program ikinasa

MAHIGIT sa 12,000 mangingisda at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal ang nabigyan …