Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cesar Montano Sunshine Cruz Kath Angeles Diego Loyzaga

New Year bonding nina Sunshine, mga anak, Cesar, at pamilya masaya at memorable

RATED R
ni Rommel Gonzales

INIHAYAG ni Sunshine Cruz kung gaano siya kasaya na magkakasama sila nina Cesar Montano at mga anak nilang sina Angelina, Sam, at Chesca sa Bohol nitong Bagong Taon.

Kasama rin nila siyempre ang partner ngayon ni Cesar na si Kath Angeles at maging si Diego Loyzaga na anak nina Cesar at Teresa Loyzaga.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Sunshine ng mga larawang kuha sa kanilang bakasyon sa Bohol kalakip ang pagpapasalamat niya kina Cesar at Kath sa napakagandang pagtanggap at pag-aasikaso sa kanila.

Ayon pa kay Sunshine, naging masaya at memorable ang kanilang pagba-bonding for New Year.

 “Cesar and Kath, thanks for hosting tonight’s dinner. The girls and I had a wonderful time chatting and catching up with all of you. We’ve missed bohol and masaya kami na nakasama namin kayo dito sa New Year celebration. Happy to see my dive instructor Holger Horn too! Once again, Happy New Year everyone from our family to yours,” ang caption ni Sunshine sa kanyang IG post.

Marami ang natutuwa at humahanga kina Sunshine at Cesar dahil kahit may kanya-kanya na silang pamilya ay napanatili nilang muli ang kanilang pagkakaibigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …