Thursday , June 4 2026
Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis na napatay sa  anti-drug operation sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga noong Sabado, 3 Disyembre.

Inalalayan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang hepe ng pambansang pulisya sa paghahatid ng kanilang pakikiramay at pag-aabot ng tulong pinansiyal sa pamilya ni P/SMSgt. Sofronio Capitle, Jr., sa isang punerarya sa lungsod ng Caloocan.

Pahayag ni P/Gen. Azurin, magpapatuloy ang pulisya sa pakikibaka sa lahat ng uri ng kriminalidad at maglulunsad ng maraming operasyon dahil ang PNP ay nakatuon sa katahimikan at kaayusan ng komunidad sa partikular, at sa buong bansa sa kabuuan.  (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …