Thursday , December 19 2024
shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon city police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Joana Pabito, 48 anyos, Angelito Pabito, alyas Bugoy, 48 anyos,  at Raquel Pelijates, 52 anyos, pawang residente sa Brgy. Longos.

Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, dakong 4:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng planned buy-bust operation sa Alupihang Dagat, Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa sinabing illegal drug activities ng mga suspek.

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng halos 16.45 grams ng hinihinalang shabu, may Standard Drug Price na P111,860.00, buy-bust money, cellphone, at coin purse.

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale)  in relation to Section 26 (Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Art II of RA 9165 (Otherwise Known as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Malabon City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …