COOL JOE!
ni Joe Barrameda
ALIW kami sa Ibarra at Maria Clara lalo na sa mga eksena ni Barbie Forteza na siyang nagbibigay buhay sa teleserye. Nakaaaliw ang mga dialogue ng aktres at ang bawat reaksiyon sa bawat eksena na laging sinusungitan siDavid Licaoco na nagmumukhang eng eng.
Ano kaya ang hahantungan ng story ng Ibarra at Maria Clara na halata namang may gusto si Barbie kay Ibarra. Mabuti na lang may replay ang bawat episode sa GTV 11 gabi-gabi at kung hindi tayo makatutok tuwing kahapon sa actual airing ay puwedeng panoorin sa GTV.