Start Up PH

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

PARANG kailan lang noong magsimulang umere ang Start Up PH at napapabalitang malapit na ang pagtatapos nito.  Marami ang umiintriga na kesyo mahina raw ito sa ratings kaya maagang tatapusin ng GMA

Nagkakamali kayo dahil marami ang nag-aabang dito gabi-gabi. Madalas nga itong nagte-trending sa Twitter.

Actually, 13 weeks lang talaga ang pinirmahang agreement ng GMA sa Korean counterpart at hindi puwedeng sirain ang agreement na ‘yun. Kahit kami ay nalulungkot sa pagtatapos bilang tagasubaybay ng Korean adaptation na Start Up PH.