Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mariel Rodriguez Padilla Robin Padilla

Mariel lalong ‘naseksihan’ kay Robin 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ROBINHOOD pala talaga si Robin Padilla, mapa-bahay o mapa-labas. Kuwento ni Mariel Rodriguez, ipinagmamalaki niya ang asawang si Robin dahil kahit napakarami nitong gawain bilang senador, hindi nito nakalilimutan ang obligasyon sa kanilang dalawang anak.

Ani Mariel, isinugod  ni Robin ang anak nilang si Isabella sa ospital noong Monday dahil tatlong buwan nang pabalik-balik ang lagnat nito. At noong Lunes nga muling umulit ang lagnat. 

“Si Robin, nagpa-panic na. (Sabi niya), ‘yung anak ko yata, tinamaan ang baga,  humina na ‘yung baga.’ Nag-panic siya, kaya siya mismo ang nagdala ng anak namin sa doktor. Hawak-hawak niya at pina-x-ray niya.

“Of course, perfect ‘yung heart and ‘yung chest as I expected. Pero ibinigay ko na ‘yun sa kanya. Para mayroon siyang peace of mind. Para makapagtrabaho siya.”

Pagmamalaki ni Mariel kay Robin, “I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya ‘yung oras niya para sa mga anak namin, but at the same time, hindi niya naman nakalilimutan ‘yung tungkulin niya. Pero I just found it na parang ang galing niya.

“At sabi ko nga sa kanya, for me, I found it so sexy. Oo, ‘yun talaga ang mga naganap, Mhie! Sabi ko talaga, ‘I think, very sexy ‘yung ginawa mong ‘yun, makes me love you more,’” pagbabahagi pa ni Mariel sa kanyang asawang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …