Wednesday , May 29 2024
Ruffa Gutierrez Mariel Padilla Ciara Sotto Mhies on a Mission

Ruffa, Mariel, at Ciara mga Mhie on a Mission (M.O.M.s)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FIRST time magsasama-sama sa isang show sina Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla, at Ciara Sotto pero madali silang nag-jive. Pare-pareho kasi nilang nagustuhan ang tema ng kanilang show, ang tumulong sa mga tulad nilang ina gayundin ang pagtalakay sa iba’t ibang problema ng buong pamilya.

Mapapanood sina Ruffa, Mariel, at Ciara sa simula November  28 sa ALLTV, sa Mhies on a Mission (M.O.M.s),11 a.m. to 12 noon. 

“It feels good to be back on television after six years. We have prepared exciting episodes for our viewers, and we hope they’ll have fun with us every morning. I’m very thrilled about this project and grateful that my new home is ALLTV,” ani Mariel sa isinagawang media conference ng kanilang show sa The Crossing Cafe sa Bacoor, Cavite.

“Despite coming from different backgrounds and experiences, the three of us anchor on common ground as women and moms. I am excited to share new stories of hope with Mariel and Ciara,” susog naman ni Ruffa.

“This is another milestone in my career since it is my first time to do a talk show and I take this as a challenge to learn new things. It is also overwhelming to work with two amazing mothers and hosts,” ani Ciara.

Kung excited sina Ruffa, Mariel at Ciara, ganoon din ang AMBS President na si Ms Maribeth Tolentino. Aniya, “We’re very excited kasi this is the first show produced by ALLTV. Buong buhay ngayon lang ito namin ginawa. You know that the Villar Group of Companies is into real estate. Now we ventured into broadcast or network industry. Inaabangan talaga namin itong M.O.M.s.”

Pasabog na agad ang unang episode ng M.O.M.S dahil ibabahagi ni Ruffa, ang ‘Mhie na may laban ang success story niya kung paano mag-isang pinalaki ang dalawang anak, sina Lorin at Venice at kung paano siya nakapagtapos sa kolehiyo. Ibinunyag din ni Mariel, ang ‘Mhie na may Diskarte’ ang masayang buhay but at pagiging hands-on-mom sa mga anak kasabay ng pagiging entrepreneur at pagiging asawa ng isang senador. Si Ciara naman, bilang ‘Mhie na may Hataw’ ay magbabahagi ng kanyang lakas bilang single parent, pagkakaroon ng disiplina sa kalusugan at pagiging fitness advocate, gayundin ang pagiging motivator at mentor sa pole-dancing.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …

LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos …