Tuesday , December 24 2024
Ice Seguerra Jona Zephanie Regine Tolentino

Ice Seguerra, Jona, Zephanie, Regine Tolentino may mga pasabog sa 5th EDDYS ng SPEEd 

 KANYA-KANYA nang hula ang fans at netizens kung sino-sino ang magwawagi sa 5th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay magaganap sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET) sa direksiyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra

Magsisilbing host naman ng pinakaaabangang awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda.

Bukod sa announcement ng pinakamagagaling sa larangan ng paggawa ng pelikula noong 2021, kailangang abangan din sa ika-5 edisyon ng The EDDYS ang inihandang pasabog na performances nina Ice Seguerra, Jonalyn Viray, Zephanie, at Regine Tolentino kasama ang Dance Royalties.

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado para sa iba’t ibang kategorya ng 5th The EDDYS.

Maglalaban-laban para sa Best Film ang Arisaka (Ten17 Productions), Big Night, (IdeaFirst Company), Dito at Doon (TBA Studios), Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Erik Matti (On the Job: The Missing 8); Mikhail Red(Arisaka); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); at JP Habac (Dito at Doon).

Sa pagka-Best Actress category, magsasalpukan sina Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam);  Maja Salvador (Arisaka); Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon); at Alessandra de Rossi (My Amanda).

Sino naman kaya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa 5th The EDDYS mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8); Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda)?

Para sa Best Supporting Actress category nominado sina Janice de Belen (Big Night); Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8); Eugene Domingo (Big Night); Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas); at Rans Rifol(Kun Maupay Man It Panahon).

Samantala, magpapatalbugan naman sina John Arcilla (Big Night); Mon Confiado (Arisaka); Christopher de Leon (The Missing 8); Ricky Davao (Big Night); at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8)na matutunggali sa Best Supporting Actor category.

Samantala, 10 tinitingala at inirerespetong alagad naman ng sining ang bibigyang-pagkikilala bilang mga Icon awardee ngayong 2022.

Ito’y para sa hindi matatawarang kontribusyon at pagmamahal nila sa movie industry sa loob ng mahabang panahon.

Ang 5th The EDDYS Icon honorees ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, at Roi Vinzon. Kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga de-kalibreng  aktres na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno.

Para naman sa mga special award ngayong taon, ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.

Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng Manny Pichel Award habang ang Rising Producer Circle award ay ipagkakaloob sa Rein Entertainment.

Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.

Para sa Isah V. Red Award, pararangalan sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation,at Sagip Kapamilya.

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay presented ng SPEED at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE at sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.

Kabilang naman sa mga sponsor ng 5th EDDYS ang Nathan Studios, Cong. Arjo Atayde, UNILAB, at Tanduay at suportado rin ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill, at Bataan Rep. Geraldine B. Roman.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Eugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente.

About hataw tabloid

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …