Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Keempee de Leon

Kimpoy pinagsabihan young star na ‘di marunong rumespeto sa seniors

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI nagustuhan ni Keempee de Leon na dinadaan-daanan lang ang mga senior star ng mga youngstar ngayon. Kaya naman sa isang panayam sa kanya ng Pep.ph, binalikan niya ang isang insidente nang sabihan niya ang young star ukol sa respeto sa senior stars.

Ani Keempee, “Hindi naman ako galit, pero nasabihan ko lang na…‘Tuwing may darating na elderly o kahit sabihin mong kaedaran mo na artista, magbigay-pugay ka pa rin. Mag-give respect ka pa rin. Mag-hi ka, ‘good morning,’ ‘good afternoon’ po, ganito. Or ipakilala mo ang sarili mo.

‘Yung personal ba na ikaw ang um-approach, hindi ‘yung sila ‘yung a-approach sa iyo.

“Parang magbigay-pugay at magbigay respeto ka sa mga senior.”

Patuloy niya, “Kasi may iba na dadaan-daanan lang nila, ‘di man lang kilala, o nagbigay [galang]. 

“Dinaanan kunwari si tito Eddie Garcia (R I.P) Hindi nagbibigay pugay.

“Eh, kung ako nga ang tagal ko sa industriya, nagbibigay-pugay. Kulang na lang lumuhod talaga ako, eh.

“Parang give respect. Andoon pa rin dapat ‘yung respeto.”

Babaeng young star ang tinutukoy ni  Keempee, na ayaw niyang pangalanan.

Nagpakatotoo si Keempee sa pagsasabing iba ang attitude ng ibang artista ng bagong henerasyon kaysa noong panahon nila.

Kasi karamihan ha, not for anything.

“Sorry, ha, for being blunt sa napapansin ko. ‘Yung ibang artista ngayon, iyon ‘yung nawawala ‘yung respeto sa elders, na hindi na sila bumabati.

“Na hindi sila marunong gumalang, na dinadaan-daanan na lang, na sila pa talaga ‘yung dapat pansinin agad, ‘di ba?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …