Sunday , December 22 2024
Dominic Ochoa

Dominic thankful sa GMA: tamang oras pagkakatawag nila

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA tinagal-tagal ni Dominic Ochoa sa showbiz ay ngayon lamang siya mapapanood sa isang teleserye sa GMA, at ito ay sa Abot Kamay Na Pangarap.

Mga guestings lamang ang nagawa niya sa Kapuso Network sa mga nakalipas na mga taon.

“I first guested sa TGIS in 1996, if I’m not mistaken.”

Bukod doon ay nakapag-guest din siya kasama si Mylene Dizon sa isang show ng dating direktor na si Soxy Topacio.

“But other than that ito ‘yung pagbubukas ng pintuan ulit,” at tumawa si Dominic.

Ano ang pakiramdam na sa unang pagkakataon ay kasama siya bilang regular cast member, hindi bilang guest, sa isang GMA drama series?

“You know, very thankful ‘no, na it came sa tamang oras ‘yung pagtawag sa akin, pag-alok sa akin nitong role, and hindi rin naging mahirap para sa akin na magdesisyon na um-oo dahil nakatrabaho ko na ‘yung mga, may ibang nakatrabaho ako pati ‘yung mga direktor pati ‘yung PM, and for the people naman na katrabaho ko ngayon na first time it made it easy for me bond and relate with them.

“From the production, from the bosses, and the artists of GMA, napakainit ng kanilang pagtanggap sa akin dito!”

Sa direksiyon ni LA Madridejos, bida sa Abot Kamay Na Pangarap sina Jillian Ward at Carmina Villarroelkasama sina Richard YapPinky AmadorAndre ParasChuckie DreyfusSophie Albert at marami pang iba. Mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …