Thursday , April 18 2024
Mina Cruz As The Moth Flies

Mina Cruz personal choice ng direktor ng As The Moth Flies

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG indie actress na si Mina Cruz ay gumanap na ina ni Charlie Dizon sa hit movie na Fan Girl at ngayon ay bida sa short film na As The Moth Flies na tumatalakay sa mental health.

Sa panayam namin kay Mina, ikinuwento niya na sinabi sa kanya ng direktora ng As The Moth Flies na si Gayle Oblea na may ibang naka-cast na aktres para sa pelikula pero dahil sa ilang mga kadahilanan ay pinalitan ito.

“Actually I started in the flm industry behind the camera, sa production management, production design, I did wardrobe styling.

“And then in 2015 I went to full-time acting, mas more on short films, independent film features. Very first is a short film, a thesis film called Dispacha, I played the role of a single mother na at the same time she’s a drug runner.”

Naniniwala si Mina na isang seryosong usapin ang mental health na kailangang tutukan ng gobyerno.

“Kasi in reality lalo na sa mga developing countries hindi talaga napa-prioritize ‘yung mga ganitong situation. In a lot of cases lalo na sa mga conservative households, ‘di ba, parang they would say na, ‘Ano lang ‘yan, drama lang ‘yan!’

“Na there are some people na parang they had a depression and then nagawa nilang ma-overcome ‘yun so, parang minsan they would say na, ‘Ako nga na-depress din naman ako pero nakayanan ko, bakit ikaw hindi?’

“When in fact hindi lang siya isang emotion from a certain situation, there are cases na it is hormonal. So kailangan talaga ng understanding na there should be a treatment for it.”

Sa panahon naman ng pandemya, nakatulong kay Mina ang pagsu-shoot ng pelikula. Sa umpisa kasi ng surge ng COVID-19 ay natatakot siyang lumabas ng bahay.

Pero nang mapili siya para sa pelikula ay nagkaroon siya ng lakas ng loob.

“Kasi para it’s now a reason that, ‘Okay you have to go out because you’re already committed to this project, you’ve already said your word to the people.’

“So parang ‘yung sense of responsibility also helped to push me to go out and start working.”

Hindi dumaan si Mina sa audition, personal choice siya ng direktor ng pelikula na si Gayle.

About Rommel Gonzales

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Gringo Honasan Ferdinand Topacio Baby Go

Sen Gringo isasapelikula ang buhay

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAKDANG gawan ng Borracho Film Production ang buhay ni former Sen Gringo Honasan na hindi pa …