Saturday , May 18 2024
Imee Marcos Matthew Manotoc

Mother and son bonding <br> SEN IMEE AT GOV MATTHEW NAGKATUWAAN SA DAVAO

SAKSIHAN ang bihirang bonding ng mag-inang Imee Marcos at anak na si Governor Matthew Manotoc ng Ilocos Norte sa isang brand-new vlog entry sa Hulyo 8 (Huwebes) sa official YouTube channel ng Senadora. 

Mapapanood sa vlog sina Imee at Matthew na game na game na nagkuwentuhan sa isang dibdibang usapan habang sinasagot nila ang mga katanungang hindi pa nila naitatanong sa isa’t isa. Mula sa nakaaaliw hanggang sa mga pagkakataon na tiyak na makukurot ang puso ng mga manonood, maaaring abangan ng mga tagahangga ang mga ‘di malilimutan at heartwarming na karanasan kasama ang mag-ina. 

“Bibihira kaming magsama ni Matt para ma-enjoy ang company ng isa’t isa dahil pareho kaming very busy,” ani Imee. “Alam namin ang konsepto ng vlog at tawa lang kami ng tawa. At one point we really forgot that there were cameras rolling. It felt great to do this with him and I’m excited to share all the fun that we had in shooting the video.” 

At, sa Hulyo 9 (Sabado), dadalhin ng walang pagod na na Senadora ang kanyang YouTube viewers sa ultimate Davao crawl sa kanyang pagbisita sa pinakasikat na tourist destinations ng lungsod gaya ng pinag-uusapang Magsaysay Fruit Vendors, ang Davao City Hall, San Pedro Cathedral, Quezon Park, at Poblacion Market Central.

Tinikman din ni Imee ang masasarap na pagkain ng lungsod sa isang tanghalian kasama sina Mayor Baste Duterte at Sen. Bong Go na hosted ni April Dayap ng Davao City Investment Promotion Center (DCIPC) sa Marina Tuna Bo. Pampanga habang tinapos naman niya ang kanyang araw sa Kusina Dabaw – na kilala sa masasarap nitong lomi, homemade breads, pancit guisado, lumpiang shanghai, at siopao. 

Sumama na sa bonding ni Imee kay Matthew at tunghayan ang gems ng Davao na makikita sa mga mata ng namanghang Senadora at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …