Kelvin at Angel bida sa isang advocacy film

Kelvin Miranda Angel Guardian Neal Buboy Tan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SIYEMPRE, gusto ng direktor na si Neal ‘Buboy’ Tan na mapalaganap ang kanyang naging advocacy film na tampok sina Kelvin Miranda at Angel Guardian. Ito ang Sa Tamang Oras at Panahon (S.T.O.P.) na hatid ng Jem Talent Central. 

Proyekto ito ni Konsehal Jojo Matias ng Cabanatuan.

Nag-swak ang cast na kinuha ni direk Buboy kasama si Ron Angeles. With James Blanco and Julio Diaz.

Sa premiere ng nasabing pelikula, ayon sa kwento ni direk Buboy,  hindi siya nahirapan sa kanyang mga aktor.

At sa panahong kinukunan ang mga sensitibong eksena ni Kelvin, mararamdaman ng manonood ang dala nito sa ipinamalas niya sa eksena.

Dahil karamihan sa mga makaantig-pusong pag-arte ni Kelvin ay hindi na pala arte kundi katotohanan na.

Hindi madali ang umarte. Na may mabigat na pinagdaraanan sa buhay.

Patay ang tatay ni Kelvin. Nakaburol. The show must go on. Mas pinili niya ‘yun. At ilan sa mga eksena eh, relate sa buhay niya.

Minsan pala ay tinutulan ng kanyang ama ang pagpasok niya sa mundo ng showbiz. Pero nagpursige ang binata.

Kahit ilang beses na rin siyang sinusukuan ng lakas ng loob at halos bumigay na para itigil ang naisip niyang karerang hindi para sa kanya, nagagawa pa rin niya ang bumangon.

At nakabangon naman. Isang seryeng nagtatak sa kanya ng  karakter na hinangaan sa kanya.

Hindi rin naman nagsinungaling si Kelvin sa pag-amin ng pagiging bipolar. Na isinangguni naman nito na makatutulong para maibsan ang nararamdamang may kinalaman sa kanyang anxiety.

At maski ang manager niyang si Tyrone James Escalante ay ibinahagi ito sa mga press na nagtanong sa.kalagayan ng aktor. Na sinasabing naa-address naman.

Masaya si Kelvin that night. Dahil alam niyang mayroon siyang ipagmamalaki lalo na sa kanyang amang gaya ng karakter niya bilang si Miguel sa pelikula ay pinanghawakan ang mga turong itinanim nito sa kanyang pagkatao.

Ang ganda ng mensahe ng pelikula. Tungkol sa honesty and integrity. Na ang nagtutunggaliang mga atleta (Kelvin at Ron) ay nahimasmasan sa mga iprinisintang sitwasyon sa buhay nila.

Ang tama. Ang mali. Kung bakit may pinipili. At ang integridad. 

Nakaiiyak ang ilang mga eksena. At nakabubuhay ng loob ang mga dayalogo ng mga tauhan na mapapa-isip ka kung sino ba sa kanila ang tama.

Plano ng produksiyon ni Konsi Jojo na iikot ang pelikula sa mga paaralan kasabay ng pagkakaroon ng commercial showing nito sa ilang piling mga sinehan.

Rated PG ng MTRCB ang pelikula.

Ang Sang’Gre Adamus ng Encantadia Chronicles ay marami ng pinatutunayan. At sabi naman niya eh, itutuloy-tuloy na niya ito.

Make way for your new leading man!