HANGAD ni Khabib Nurmagovedov na magkaroon ng realisasyon ang labang Islam Makhachev vs. Charles Oliveira sa Brazil. At naniniwala siya na tatapusin ng una ang huli sa sarili nitong istilong Brazilian jiu-jitsu.
Nangangampanya si Nurmagomedov para magkaharap sina Makhachev at Oliviera para sa bakanteng UFC lightweight championship, Tiwala siyang handang dumayo ang kanyang matalik na kaibigan na dumayo sa teritoryo ni Oliviera para sa oportunidad.
Natanggalan ng titulo sa 155 pounds si Oliviera nang hindi nito nakuha ang reglamentong timbang sa UFC 274 nung May. Kailangan pang magdesisyon ang UFC kung sino ang ihaharap sa Brazilian star, kung kelan ito sasabak muli at lokasyon ng laban para sa bakanteng titulo.
Unang plano ni Makhachev na lumaban sa UFC 281 sa isang pay-per-view laban kay Do Bronx sa Oct. 22 sa Abu Dhabi. Ngayon, bukas ang opsyon ng kaniyang team para hamunin si Oliveira sa Brazil. Sa kasalukuyan ay walang nakatakdang laban sa Brazil.
“This is not Islam or Khabib’s organization, this is UFC [and] they have owners. They make these decisions,” pahayag ni Nurmagomedov sa Ag. Fight. “Ok, if they say Brazil, we’ll love this. Come to Brazil, fight with Brazilian champion and finish him with Brazilian jiu-jitsu style. I love this. What you think about this? It’s gonna be hard?
“I really believe Islam can finish him on the ground. I really believe this. Now you guys gonna judge me because Islam, but who cares? Who cares? If they say Brazil, OK, let’s go Brazil. Rio de Janeiro, Sao Paulo.”
Matatandaan na ang ikatlong laban ni Nurmagomedov sa UFC bout ay nangyari sa Brazil noong Enero 2013 nang gibain niya si Thiago Tavares sa pamamagitan ng matinding siko nang maglaban sila sa ground.
“I fight one time in Sao Paulo, Thiago Tavares,” sabi ni Nurmagomedov. “It was very short fight, one and a half minute, boom. Before fight everybody said I was gonna die. After fight, everybody take picture with me. It’s gonna be same thing with Islam and Charles Oliveira.”