NAGBIGAY ng hindi malilimutang payo ang mga ina ng Eat Bulaga Dabarkads sa Mother’s Day episode last Saturday.
Ang pahayag ng ilan ay huwag itatapat ang likod sa electric fan, mag-aral mabuti, magdasal, maging marespeto sa kapwa at iba pa na madalas ibinibilin ng isang ina sa kanyang mga anak.
Pero kakaiba ang payo sa kanya ng ina ni Maine Mendoza, huh! Huwag kalimutang magpahid ng lotion araw-araw.
“Para hindi kami kagatin ng lamok, insekto at niknik!” rason ni Meng. Eh nitong nakaraang mga araw, itsinika ni Miles Ocampo na kinagat ng niknik si Maine nang mag-out of town.
Amazed siyempre ang EB Dabarkads sa sinabi ni Maine na hindi na nila ipinagtaka dahil makinis ang kutis ni Maine.