Thursday , June 4 2026

World Junior World Record ni Usain Bolt binura ni Knighton

NAMANGHA ang mundo ng athletics nang magnakaw ng eksena sa kasaysayan ang American teen sprint sensation Erriyon Knighton, at siya ay ikinompara kay Usain Bolt.

Pinababang muli ng 18-anyos ang junior world record ni Bolt at ang kanyang sariling U/20 world mark na 19.84 seconds sa napakatulin niyang takbo sa Baton Rouge meet sa United States nitong Sabado.

Parang ipo-ipong dinaanan ni Knighton ang lahat ng katunggali para unang dumating sa finish line, may pruwebang 19.49 seconds,  para itala ang ikaapat na fastest time sa history ng event.

Target ni Knighton ang paparating na world outdoor championship sa Eugene, Oregon sa 15-24 Hulyo 2022 kung makasasampa sa qualifiers na aarya sa 23-26 Hunyo 2022 sa parehong venue.

Ang American teenage runner ay laman ng balita noong nakaraang taon  nang magtala ng 19.88 seconds para  sirain  ang record ni Jamaican Olympic legend Bolt world junior record na 19.93. 

Lumahok siya sa 200m sa Tokyo Olympic Games, ngunit dumating siyang pang-apat sa likuran nina Andre de Grasse.

Ganyonman, ang mga oras na naitala ni Knighton sa nakaraang weekend ay masyadong mabilis kompara kay 8th-time Olympic gold medalist  Bolt nang siya ay nasa edad 20 anyos – na nagtala ng 19.93 seconds.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …