MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang mainis at pumatol sa basher si Sunshine Cruz nang tawagin siyang lola.
Sa isa kasing post ni Sunshine sa kanyang Instagram ay may isang netizen na nagkomento ng, “Lola yung buto mo ingat din baka mabalian ka.”
Na sinagot naman ni Sunshine ng, “Are you trying to insult me by calling me lola? Proud of my age! I am 44, healthy and happy.”
Dagdag pa nito, “Tbh, I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaroon ng nutrition ang katawan at pag-iisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy.
“Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging (matanda).
“Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many. Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person.
“Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating mga edad. Stay safe and healthy everyone,” paliwanag ni Sunshine.