Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Mahalaga ang endorsement ni Grace

SIPAT
ni Mat Vicencio

ISANG malaking bagay kung pormal na magdedeklara si Senator Grace Poe kung sino ang kanyang babasbasan o bibigyan ng endorsement sa mga kandidatong kasalukuyang tumatakbo sa pagkapresidente.

Kung nagawang suportahan ng mga dating pangulo na sina Erap Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo ang isang kandidatong presidente, nararapat din sigurong mamili si Grace ng kanyang babasbasang presidential candidate.

Napakahalaga at napakalaking tulong ang gagawing pormal na endorsement ni Grace sa isang kandidato. Ang kanyang mga supporter kabilang na ang libo-libong tagahanga ni Fernando Poe, Jr., ay naghihintay lamang ng hudyat kung sino ang kanyang susuportahan sa pagkapangulo ngayong darating na May 9.

Hindi kayang pasubalian na hanggang ngayon ang tinatawag na lakas o karisma ni FPJ sa kanyang mga supporters ay nagpapatuloy at hindi kailanman bumibitaw sa pagsuporta sa anak nitong si Grace.

At sa sandaling magdesisyon at tukuyin ng senador ang kandidatong kanyang babasbasan, malamang na magbago ang mukha ng kasalukuyang presidential race at maingat o manguna sa puwesto ang pipiliing kandidato ni Grace.

Sa gagawing pormal na endorsement ni Grace sa kanyang mapipiling presidentiable, hindi malayong mangyari na maungusan nito ang frontrunner na si dating Senador Bongbong Marcos.

Halos dalawang buwan na lamang ang natitira sa campaign period at muling masusukat ang lakas ni Grace kabilang ang suportang gagawin ng mga tagahanga ni FPJ sa sandaling ihayag ang kanyang presidential candidate.

Hindi kailangan mag-alinlangan si Grace, marami ang naghihintay at nag-aabang sa kanyang magiging desisyon. At sa sandaling gawin niya ito, makasisiguro siya sa suportang ibibigay ng kanyang mga supporter sa mapipili niyang kandidato.

Sa ngayon, marami sa mga tagasuporta ni Grace ang hindi nakalilimot sa kanyang naging desisyon na hindi tumakbo sa pampanguluhang halalan. Sa pagkakataong ito, maaaring mapahinuha ang lahat ng mga nagmamahal kay Grace kung pormal niyang tutukuyin ang kandidatong tumatakbo sa pagkapangulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …