Monday , December 23 2024
dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio Boundary, Brgy. Caalibangbangan, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Miyerkoles, 19 Enero 2022.

Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na suspek sa alyas na Tolits, samantala ang nasugatang pulis ay si Pat. Aizar Hajar, kasalukuyang nakatalaga sa Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) sa Bulacan.

Ayon sa ulat mula sa Sta. Maria MPS, nagsagawa ng dragnet operation ang intelligence operatives ng Cabanatuan CPS bilang lead unit, katuwang ang Sta. Rosa Police Stations, NEPPO, Sta. Maria Municipal Police Station, BULPPO, Intel Operatives ng Provincial Intelligence Unit, NEPPO, at Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Team, matapos nilang maispatan ang isa sa mga suspek na sangkot sa serye at mga insidente ng robbery hold-up sa mga convenience stores sa Brgy. Mabini Extension, sa nabanggit na lungsod, dakong 7:15 am, at sa Brgy. Isla, bayan ng Sta. Rosa, dakong 1:47 pm, kamakalawa.

Napag-alaman noong 27 Oktubre 2021, sangkot ang mga naturang suspek sa naganap na robbery hold-up sa Centro, Brgy. San Jose Patag, Sta. Maria, Bulacan.

Tinugis ang mga suspek matapos makitang sumakay sa magkaibang motorsiklo malapit sa Sitio Boundary, Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan. 

Nang paparahin na sila ng mga pulis, agad nagpaputok si alyas Tolits kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad na naging sanhi ng agad na kamatayan ng suspek.

Nadakip ang dalawang kasamahan ng napatay na suspek na kinilalang sina Christian Soro, isang helper; at Reymark Hipolito, truck driver, kapwa ng Brgy. Samon, Cabanatuan. 

Sa kasamaang palad, tinamaan sa enkuwentro si Pat. Hajar na isinugod sa Premiere General Hospital upang lapatan ng lunas na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang isang Glock 9mm pistol, isang hand grenade, mga basyo, mga pakete ng hinihinalang shabu, itim na helmet, backpack, isang itim na Yamaha Aerox motorcycle, isang pulang Honda Click 125cc motorcycle, at iba pang mga nakaw na kagamitan.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Cabanatuan CPS ang mga arestadong suspek habang inihahanda ang pagsasampa laban sa kanila ng mga kaukulang kaso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …