Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Winwyn Marquez Nelia

Winwyn na-pressure sa pagbibida sa Nelia

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY launching movie na si Winwyn Marquez titled Nelia mula sa A and Q Film Productions. Isa ito sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2021.

“Siguro, isa sa pinaka­malaking nagawa kong pelikula ay ‘yung with Vhong Navarro, ‘yung ‘Unli Life.’ Pero ito talaga ‘yung title role ako,” sabi ni Winwyn sa grand press conference ng Nelia.

Patuloy niya, ”Sabi ko nga paulit-ulit sa mga interview ko, ang tanong ko sa mga producer namin, ‘sure po ba kayo na ako ‘yung kukunin ninyo?’ Kasi never pa akong nagbida (sa pelikula).

“Sabi ko nga, hindi ako maniniwala hangga’t wala pa akong schedule ng shooting. Kasi baka, ‘di ba mapalitan? ‘Yung mga ganoong instances. Hindi ako nag-expect.

“But, noong nag-shoot na kami, roon lang nag-sink in sa akin. Kaya  mas grabe ‘yung pressure.

“Kasi nga challenging din siya. Since psychological suspense thriller ‘yung movie.

“Tapos I came from lock-in taping ng rom-com (series). So medyo iba rin ‘yung pag-adjust ko sa paggawa ng film,” paliwanag pa ni Winwyn.

Sinamantala na  ring tanungin ng press si Winwyn, kung totoo ‘yung mga naglalabasang balita na buntis siya.

Ang nakatutuwa kay Winwyn, sinagot niya ang tanong. Hindi siya nag-deny na buntis siya. Kinompirma niya na totoong nagdadalang-tao siya.

“I am pregnant,” nakangiting sabi ni Winwyn.

Ayon pa sa aktres ay 6 months na siyang buntis sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“I tried to..siyempre gusto ko muna siyang itago hangga’t hindi pa sure. 

“Yes, there it is. Me and my partner we’re both so happy. My family, everyone, super saya namin.”

Ang batang nasa sinapupunan ni Winwyn ay maituturing niyang Christmas gift sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Gusto ko sabihin sa inyo ‘yung nangyari sa akin and ‘yung blessing na ibinigay sa amin. We’re so happy. We’re over the moon. I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start,” dagdag pa ni Winwyn.

Samantala, ang A and Q Films Productions ay itinatag ng business partners na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Honey Quino noong taong 2020. Unang layunin ng A and Q Films Productions na gumawa ng mga educational films para sa mga school, lalo na ngayong pandemya, na naging virtual na ang pagtuturo dahil na rin sa pag-iwas sa paglaganap ng COVID 19. 

“Hindi namin akalain na sa unang pagkakataon na gumawa kami ng full lenght film ay mapapasama kami sa entries sa Metro Manila Film Festivals. Maraming salamat po sa MMFF sa pagtangkilik at sana ay ito na ang maging simula ng patuloy pang paggawa ng A and Q Films Productions ng marami pang pelikulang makapagbibigay aliw, tuwa at aral sa mga Filipinong manonood,” sabi ni Atty. Alegre.

Bukod kay Winwyn, kasama rin sa Nelia sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Shido Roxas, Sarah Javier, Juan Carlos Galano, Mon Confiado at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Sexbomb Get Get AW concert

Sexbomb fans humihirit rAWnd 6 concert

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na ang mga batang pinalaki ng Sexbomb para sa  Get, Get AW! concert  rAWnd 3, 4, …

Arabelle Dela Cruz Veiled Cup

Arabelle Dela Cruz ng Pilipinas wagi sa Veiled Cup sa Korea

MATABILni John Fontanilla WAGI ang representative ng Pilipinas na si Arabelle Manalo Dela Cruz aka Laguna Diva sa katatapos …

Charlie Fleming Sean Lucas Anthony Constantino Allen Ansay

Cast ng GMA horror film nagpakilig sa Iloilo

RATED Rni Rommel Gonzales BAGO ang takutan, kilig muna ang dala sa Iloilo ng mga …

Glaiza de Castro 58th IFFR

Glaiza proud mapanood docu-film sa ibang bansa

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI maitago ni Glaiza de Castro ang kasiyahan sa pagpapalabas ng kanyang latest …

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …