Friday , August 12 2022
Joed Serrano

Joed umatras na sa pagtakbo bilang senador

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI na tatakbo sa senatorial race ang aktor-producer na si Joed Serrano. Magwi-withdraw na siya ng kanyang kandidatura. 

Ang dahilan,ikinagulat niya na P800-M ang kakailanganin niya sa kanyang kandidatura.

“Kailangan ko raw ng P800-million para sa kampanya, na sa bandang huli ang ginastos ay babawiin lang sa taumbayan ‘pag nakaupo na,” sabi ni Joed sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Patuloy niya, ”Hindi kaya ng aking kalooban ang laro ng politika na ang mga tao ay sanay magbitaw ng mga pangako na sa huli ay napapako lamang.”

Napag-alaman din ni Joed na hindi uubra na wala siyang partido.Tumatakbo kasi siya bilang independent.

“Tumakbo ako bilang independent sa kagustuhan na walang paboran na kahit na anong partido. Pero sa huli ay isa pala ito sa requirement na hihingin.”

Umatras man sa pagtakbo bilang senador, hindi pa rin naman siya nagsasara ng pinto na pasukin muli ang politika.

’Di man ito mangyari ngayong eleksiyon, maaari itong maganap pagdating ng panahon.

“’Ika nga, ‘timing is everything.’ Sa tamang panahon, alam ko na maaaring pasukin ko rin ang politika.

’Di man ngayon, pero maaaring bukas makalawa o sa panahong kawayan uli ako ng mas malakas na tawag na serbisyong totoo at paglilingkod,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …