Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yassi Pressman JC Santos

Yassi nagulat sa pa-puwet ni JC — Never pa po akong nakakita

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KASWAL na lang kay JC Santos ang magkaroon ng butt exposure sa mga nagawa niyang pelikula at ang huling biktima ng pa-puwet niya ay si Yassi Pressman na leading lady niya sa pelikulang More Than Blue na idinirehe ni Nuel Naval at isinulat ni Mel Del Rosario for Viva Films.

At dahil wala pa namang nagawang pelikulang sexy si Yassi ay nagulat siya sa eksenang pinagawa sa kanila ni direk Nuel.

Sa virtual mediacon ng More Than Blue ay humagalpak sa tawa si Yassi nang tanungin  tungkol sa butt exposure ni JC.

Hahaha! Masyado yatang malakas ’yung tawa ko. Direk Nuel can tell you exactly how I felt. Never pa po akong nakakita niyon (puwet) sa co-actor ko. So, it was quite shocking. But JC was very, very comfortable,” tawa ng tawang sabi ng aktres at dinig din ang pagtawa ng aktor.

“So, ’yung nakita po sa trailer, papasok po ako sa loob ng banyo and siyempre, kapag blocking po, hindi naman kailangan ’yun, ‘di ba?

“So, noong take na, sinabi na ‘Okay JC, get ready na’ ganyan, ‘Yassi, step out.’ Step-out po ako. Nakasarado po ’yung pintuan, ‘di ba? Nandito ’yung kuwarto nila, Direk on the left, and then, nandoon po siyempre ‘yung monitor nila,” dire-diretsong kuwento ni Yassi.

“And then po, sa monitor nakita ko ’yung nangyari,” gulat na sabi nito. “Sabi po ni Direk, ‘5,4,3,2,1… pasok Yassi!’”

Niyugyog ng aktres ang ulo niya at saka huminga ng malalim.

“Kasi hindi ko po talaga kaya na pumasok sa eksena. So, I had to gather myself and really breathe and just focus. And ayun, nagulat lang po ako to say the least,” say ng dalaga.

May nakita ba si Yassi na labis uli niyang ikinagulat.

“Ay, direk nakita ko ba? Abangan n’yo na lang po,” biting sabi ng dalaga.

Ang More Than Blue ay South Korean drama classic na pinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018.

Kaya sa mga nakapanood na ng either of the foreign versions ay alam na siguro kung gaano ka-heartbreaking ang movie na kuwento ng dalawang magkaibigan, K (JC) and Cream (Yassi) who love each other pero ang lalaki ay may taning na ang buhay.

Nang malaman ni K na siya ay may taning na dahil sa malalang stage ng cancer, inilihim niya ito kay Cream at tinulak pa niya itong makapag-asawa ng isang mabait at matikas na lalaki.

Mapapanood na ang More Than Blue sa November 19 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, and starting November 19, mayroon na ring Vivamax in USA and Canada.

For local subscriptions, you can subscribe using the VIVAMAX app and for P149, you can watch-all-you-can for 1 month. You can pay using your Debit or Credit card, GCash, or PayPal account that’s linked on your Google, Apple and Huawei App Gallery account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …