Saturday , July 26 2025
Duterte, Senate, Supreme Court

Markulyo ni Digong sa ‘plundemic’ probe
KORTE SUPREMA NAIS KALADKARIN SA ‘CONSTI CRISIS’

MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalhin sa Korte Suprema ang isyu ng pagbabawal niya sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na dumalo sa Senate ‘plundemic’ probe.

Tinagurian ng Philippine Bar Association at ng ilang senador, mga grupo, at personalidad na unconstitutional ang memorandum ni Duterte na nagbabawal  sa paglahok ng mga opisyal at empleyado sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa manomalyang P12-bilyong medical supplies contract na nasungkit ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

“Eventually, I think, this will reach the Supreme Court. I am not saying that I am all correct. I may be wrong,” sabi ni Duterte kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na memorandum.

Kailangan umano niyang protektahan ang sangay ng ehekutibo mula sa pang-iinsulto ng mga senador.

“I have to protect the Executive Department from the incessant and steady dose of insults coming from the senators,” aniya.

“Hindi man ako siguradong manalo doon, pero gusto ko lang makita ng Supreme Court ang pagkabastos ng mga senador. ‘Yun lang naman ang habol ko doon. Manalo, matalo,” dagdag ni Duterte.

Nagbabala si Duterte na ipakukulong ang mga senador kapag nakulong  ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno dahil sa contempt.

“‘Pag i-cite kayo in contempt, ‘pag malaman ko, ang ikulong ko ang mga senador,” aniya.

Nauna rito’y inihayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na itinutulak ni Duterte ang isang constitutional crisis dahil nililimitahan niya ang kapangyarihan ng lehislatura, isang co-equal branch of government, na gampanan ang tungkulin.

“Itinutulak ng Pangulo ang isang Constitutional crisis para pagtakpan ang katotohanan at ang korupsiyon. Ginagamit pa ang Bayanihan Act para bigyang katwiran ang graft and corruption sa procurement,” sabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SSS

SSS maglalabas ng binagong Calamity Loan Program (CLP) guidelines; pagbaba ng interest rate sa 7%, pinapayagan ang renewal pagkatapos ng anim na buwan, pinasimple ang proseso ng pag-activate para sa napapanahong tulong pinansiyal

INIANUNSIYO ng Social Security System (SSS) na maglalabas sila ng revised Calamity Loan Program (CLP) …

Bulacan PDRRMO NDRRMC

Bulacan, pinaigting disaster response sa mga binahang munisipalidad

HABANG patuloy na nararanasan ang epekto ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Crising, Dante, …

NDRRMC

25 katao patay sa 3 bagyo at Habagat

PATAY ang 25 katao sa magkakasunod na pagtama ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong …

Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara …

Scoot Flight TR 369 Plane

Torre vs Baste boxing match sinibatan

HABANG excited sa paghahanda si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, mukhang ‘drawing’ …