Saturday , August 23 2025
Jinkee Pacquiao

Jinkee dasal at Bible verses ang sagot sa mga basher

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NATUTUWA kami sa reaksiyon ni Jinkee Pacquiao sa mga bumabatikos sa kanyang mga post sa kanyang social media. Imbes na labanan ang mga basher, dasal at Bible verses ang ibinabato niya sa mga ito.

Bira ng iba, kesyo hindi raw dapat ipinaparangya o idini-display ang mga mamahaling gamit niya habang tayo ay nasa pandemya at naghihirap ang maraming Filipino.

Sa ganang akin, wala na tayong pakialam kung proud si Jinkee sa mga gamit niya lalo na at galing iyon sa pinagpaguran ng asawa ang ipinambili. At ‘yun ay sinusuportahan ng asawa. Tama rin na ipagtanggol siya ni Annabel Rama na isang malapit na kaibigan ni Jinkee at komo pareho silang Bisaya.

Kilala namin si Jinkee noon pa na nag-uumpisa pa lang sa larangan ng boksing si Manny Pacquiao. Nandiyan na rin kami noong dumadaan sila sa krisis ng relasyon nilang mag-asawa. Kamuntik pa nga silang maghiwalay noon at buong pagmamalaki namin siyang pinayuhan na ‘wag makipaghiwalay at isalba ang relasyon alang-alang sa mga anak.

Mabuti na lang at natauhan si Manny at naituwid ang mga pagkakamali niya noon.

Kaya tama ang ginagawa ni Jinkee at laging nasa puso ang Dakilang Lumikha at sana protektahan sila ng nasa Itaas at mailayo sila sa mga taong mapagsamantala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Zela

Album ni Zela na pinamagatang “Lockhart” potential hit

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang mga kaganapan sa career ng recording artist na …

Roderick Paulate Mudrasta Ang Beking Ina

‘Mudrasta’ at ‘Post House’ nangunguna sa mga bagong pelikula ngayong linggo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TAMPOK ngayong linggo ang dalawang pelikulang Filipino, ang “Mudrasta: Ang …

JM de Guzman Sue Ramirez Lasting Moments Fifth Solomon

Lasting Moments palabas pa rin, nasa ikaapat na linggo na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Fifth Solomon dahil blockbuster ang kanyang pelikulang Lasting Moments na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at JM De …

Heaven Peralejo Vic Sotto Boss Vic Del Rosario Playtime

Heaven bucket list makatrabaho si Bossing Vic 

MATABILni John Fontanilla ESPESYAL para kay Heaven Peralejo ang maging ambassador ng Playtime at makasama ang host/comedian …

7th Sinag Maynila 2025

Limang pelikula sa full length category itatampok sa 7th Sinag Maynila 

RATED Rni Rommel Gonzales GAGANAPIN ang 7th Sinag Maynila indie film festival sa September 24-30, 2025. Lima …