MATABIL
ni John Fontanilla
IDOLO ni Francis Grey si Coco Martin at ito ang inspirasyon niya sa paggawa ng Nang Dumating si Joey.
Kuwento ng finalist ng Eat Bulaga’s Mr Pogi 2019, “Si Coco Martin po talaga ‘yung paborito at iniidolo ko dahil siya talaga ‘yung reason bakit ko pinasok ang pag-arte.
“Sobrang nagagalingan po ako sa kanyang unarte na kahit anong ibigay na role, nagagampanan niya.
“And like Coco, pareho kaming lola’s boy. Pareho kaming mahal na mahal namin ‘yung mga lola namin.
“Sana dumating ‘yung time na makatrabaho ko siya at makasama sa kahit anong proyekto.”